Saturday, September 20, 2014

I feel good and pathetic all at the same time while writing this

Alam mo ba kung gaano kita namimiss? Malamang hindi. You're so near pero pakiramdam ko nasa kabilang parte ka ng mundo? Alam kong di ka bobo. Nararamdaman mo to. Nararamdaman mong nasasaktan ako. And kung di ako magkakamali, inassume mo na galit ako dahil sa post mo sa facebook. Nagalit naman talaga ako. Pero hindi sayo. Sa akin.

Sobrang mahal kita alam mo ba yun? Hindi naman ako nagagalit sayo. Nagagalit ako sa sarili ko. Nagagalit ako na nasasaktan ako. Na hindi kita kayang layuan kahit masakit na. Na kahit ganito ang nangyayari, hindi ko pa rin mapanindigan na gusto kitang layuan. Ang sakit lang eh. Alam ko naman. Paulit-ulit ka naman at napakastraight forward mo naman. Sinabi mo naman, mula mismo sa bibig mo na hindi mo ako kayang mahalin. Pero ano tong trip ko? Ayokong tumigil.

Hindi naman ako galit sayo. Galit ako sa sarili ko kasi kahit ilang beses kong sabihin, kahit ilang beses kong subukang gawin, alam kong mamimiss kita. Takot ako na mawala ka. Takot ako na masayang din lahat. Takot ako na mawala ka kasi pinili kong lumayo at umiwas. Naiinis ako sa sarili ko kasi ang dami kong kinakatakutan.

Hindi ko alam kung hanggang kailan to. Minsan naiisip ko na sana kusa na lang siyang mawala. Sana matapos na kasi masakit na. Pero never kitang sinisisi sa pain ko. Because I know i'm causing this pain to myself. Alam ko na ako lang naman yung assumera. Ako lang yung pinagsisiksikan ang sarili ko sayo. And i hate myself for being like this.

Minsan tinatanong ko yung sarili ko kung bakit ganito kita kamahal. Haha! hindi naman ikaw yung hopeless romantic. And I don't think you're the type na kakausapin ako every now and then kapag naging tayo. You are more of the independent type. Hindi ko type yung ganun. Mas trip ko yung iseserenade ako. Eh hindi ka nga ata marunong tumugtog ng gitara which by the way is one of my criteria for an ideal husband. Hahaha! Andaming wala sayo. Pero ewan ko ba, Pinili kita.

Sabi ko nun, wag tayong bigyan ng malisya. Hindi dahil ayoko sayo, ayoko lang ng idea na akala ng tao tayo, yung bagay tayo sa paningin nila. Mas umaasa kasi ako. Nakakatawa nga kasi may nag-pm sa akin dati kung tayo pa daw ba at ang tagal na natin. Nakakatawa no? At nakakalungkot sa akin. Kasi nakikita nila pero di naman mangyayari. Para silang manlolokong manghuhula na nakakasama ng loob kasi I'm rooting for it to happen. Gusto ko din mangyari kung anuman ang naiisip nila. Kung ano yung pakiramdam nila para sa ating dalawa.

Hindi din naman kita gustong tanggihan noon(this is just my side kahit pa sinabi mong biro lang yun). Alam ko naman kasi kung gaano mo kamahal si girl eh. Alam ko yun kasi ako yung sinasabihan mo dati nun na masakit pala kapag ganito o kapag ganyan. Kahit masama sa loob ko, nakikinig ako. Kasi katwiran ko, kasama naman kita. Noon kasi, sapat na yun. yung kasama kita. Kausap and that sometimes we have the same idea sa isang bagay. Kung paanong nagkakasundo tayo. Kaya alam ko. Kaya kahit gustong-gusto ng puso ko, tumanggi ako. Kahit alam kong kukng kayang bugbugin ng puso ang sarili, ako na ang unang nakagawa nun. Kasi masakit lang eh. Kung naging tayo man noon, alam ko, magiging selosa lang ako at mag-aaway lang tayo,

Naiisip ko noon, ang swerte niya. Hindi dahil nakukuha niya yung gusto niya o dahil maraming nagkakagusto sa kanya o dahil marami siyang nagawa na sa buhay. Swerte siya kasi, mahal mo siya. Yung nag-iisang bagay na ginusto kong makuha, nakuha niya. Hindi naman ako mahiling na tao, alam mo yan. Ang gusto ko lang, may magmahal sa akin ng totoo. Yung hindi ako second option. Kaya ang sama ng loob ko nung tinanggihan niya yun. Lalo na nung nasaktan ka dahil di ka niya tinanggap. Nasaktan ako nun. Nung nagwala ka, sobrang sama ng loob ko nun kasi wala akong magawa.

Nasasabi ko yan pero nung ako yung tinanong mo, tinaggihan din kita. Hahaha. Shunga ba? May reason naman ako nun. Alam ko biglaan lang ang desisyon mo na yun. Natakot ako na baka mauwi lang sa wala. Natakot ako na kung parehas tayong impulsive, baka masira lang yung kung ano lang ang kaya mong ibigay sa akin-yung pagkakaibigan natin. Sobrang takot lang naman akong mawala ka eh kaya sorry. Kung nasaktan kita noon, which I doubt kasi nga joke lang yun, sorry. Sorry talaga. Sobra akong kinain ng takot nun kaya sorry. Sobrang sorry.

Ngayon, binabalak kong lumayo, kasi masyado ng masakit. Kasi alam ko, darating yung araw na, makikilala mo rin yung babaeng para sayo at natatakot ako para sa sarili ko kasi baka di ko makayanin yung sakit kapag naging kayo na. Ang selfish ng wish ko ngayon pero, kaya mo ba akong hintayin? Pwede mo ba akong intindihin? Pwede bang lumayo ka din muna sa akin? Gusto ko lang mawala tong nararamdaman ko. Alam ko naman kasing hindi mo din kayang  ireciprocate,  Pwede bang tigilan muna natin ang pagiging magkaibigan? Itatak ko muna sa sarili ko na hanggang doon lang ang kaya mong ibigay. Na hanggang doon ka lang? Na hanggang doon lang tayo?

Wala ka talagang kasalanan promise. Ako to eh. Ako yung naniwala sa sabi-sabi. Ako yung nag-assume. Ako yung nangarap at naniwala. Ako yung nagbigay kahulugan sa lahat ng ginagawa mo para sa akin. Ako yun. Hindi ka kasama doon. Kaya pwede bang wag kang sumama ngayon? Pwede bang hintayin mo lang ako? Kasi hindi ko talaga kayang mawala ka bilang kaibigan. Kahit yun na lang.


--G