Kamusta
ka na? Okay ka lang ba? Sana masaya ka na. Naalala kasi kita, showing na yung
part two ng Mocking Jay. Naalala mo ba yung sinabi nating dalawa noong nanood
tayo ng part one last year? Nung mga panahong sobrang close pa natin at hindi
pa tayo galit sa isa't isa? Siguro hindi na.
"Panoorin natin yung part two next year!!!"
Hindi ko maalala kung sinong nagsabi o kung sabay ba tayong nagsalita noon since we can finish each other's sentences. Pero we both agree on this. Noon sabi mo, kahit tayong dalawa lang ang manood, okay lang. Kahiy fi na sila sumama. Wag kang mag-alala, ganun din naman ako eh. Until now. Kaso wala na eh. Sabi mo nga, friendship over.
Hindi ko pa rin talaga maintindihan kung bakit nagalit ka sa akin nun. Nakakatawa na simpleng pagpunta sa MOA ang reason kung bakit tayo nag-away. Sa bagay. Mukhang hindi lang naman yun ang pinaghuhugutan ng galit mo eh.
Pero kung galit ka, mas galit ako. Galit ako sa mga ibinibintang mo sa akin. Galit ako na kahit na halos lahat ng taong naging kaibigan natin at iniwan ka o hindi ka inintindi noong panahong nasa mababa ka, nagagawa mong kausapin na walang galit ngayon. Na walang sama ng loob. Hindi sa ayokong kausapin mo sila. Pero pakiramdam ko kasi sobrang unfair mo lang sa akin. Sa akin na andoon para sayo no matter what. Andyan ako sa mga panahong hindi ka na nila gustong kasama noong mga panahong nagmamaldita ka, ako lang ang nakatagal sayo. Sa mga paulit-ulit na panahong nasaktan ka niya, pinilit kong makinig sa mga hinaing mo. Nakikinig ako at inuunawa ko ang mga kwento mo tungkol sa kanya kahit noong panahon na yun, parang nagbubuhat ako ng sampung kilong bloke ng yelo sa sobrang bigat ng nararamdaman ko.
Higit sa lahat, andoon pa rin ako. Matapos mo akong biruin ng isang biro na hindi ko alam kung paano ko natanggap ng buong puso. Naalala mo? I hope you do. Dahil hindi ko pa rin maisip hanggang sa ngayon kung paano mo ako nabiro ng ganun. Paano mo nasabi sa akin ang mga yun bilang isang biro. Alam mo namang mahal kita noon. Tumanggi ako kasi alam ko namang malungkot ka lang eh. Na mas masasaktan ako kung um-oo ako. Mas pinili ko lang namang wag masaktan sa pwedeng mangyari. Naisip mo ba yun? Pero kahit masakit na biniro mo lang ako noon, hindi naman ako nagbago ah. Pumapalya oo. Pero hindi nagbago.
Pero binaliwala mong lahat yun. Binaliwala mong lahat kahit isang beses lang akong nagkamali. Hindi mo alam kung gaano kasakit kaya galit na galit na galit ako sayo. And I hope di na magbago yun... Para hindi mo na ako masaktang muli.
Kaya ngayong magkakasama ulit tayo bilang barkada, tandaan mo. Hinding-hindi ko hahayaang bumalik tayo sa dati hanggang di mo sinasabing patawad. Hangga't di mo ko kinakausap ng maayos. Habang pinipilit mong ibalik ang dati, pipilitin kong bumuo ng pader na matitibag lamang ng sorry mo. Hindi ako papalya. Aalalahanin ko lahat ng sakit. Aalalahanin ko lahat ng paghihirap ko sa mga panahong hindi ko maintindihan ang mga nangyayari. Siguro naman, I deserve an explanation. I deserve an acceptable reason sa ginawa mo sa akin.
Pinapangako ko sa sarili ko na hindi ko hahayaan tunawin ng mga hilig natin ang sakit na naramdaman ko. Hindi ko hahayaang pawiin ng pagkakaparehas natin ang lahat ng luhang naiiyak ko habang minamahal kita at sinasaktan mo lang ako. Pinapangako ko na hindi tayo magiging maayos kahit bilhin mo pa lahat ng mga gusto ko pagkat sa panahong ito, hindi ko kailangan ng kung anu-ano. Hindi ko kailangan ng pagmamahal mo. Ang kailangan ko ay ang sorry mo. Ang explanation mo. Ang mga reason mo kung bakit sa lahat ng tao, ako pa ang sinaktan mo ng ganito.