Wednesday, February 15, 2012

Saysay at Halaga

Ang sarap pumunta ng tambayan
Ang giliw sa paglabas ng pintuan
Noon.. Noon na lang ba mangyayari?
Ang kasiyahan ba'y mapapawi?

Minsan sa ating tambayan
May hawak kang gitara
Tinutugtog mo ang aking paborito
Kung saan ako'y nabighani sayo

Ngayon ala-ala na lang ba
Ang maaalala pag nasa tambayan?
Dahil ngayon sa iyong paglisan
Buhay ko'y nawalan ng saysay at halaga

Tuesday, February 14, 2012

Tambayan

Ayoko ng tumambay pa
Sa tambayang puno ng ala-ala
Tambayan nating dalawa
Tambayan kung saan nagkakilala

Ala-ala mo'y bumabalik
Pag ako'y naupo sa tambayan
SA aking mga kaibigan
Ako'y lumalayo pag nasa tambayan

Tambayan, ayoko na kitang makita
Tambayan, ayoko ng maalala
Lahat ng tungkol sa ating dalawa
Lahat ng ito'y nawa'y maglaho na
Makalimutan

Gusto na kitang makalimutan
Mga ngiti mo't kalungkutan
Mabura na lahat sa isipan
Ala-ala mong aking kasiyahan

Ngunit paano makakalimutan
Kung dito nga ang kasiyahan
Paano ko makakamtan
Inaasam na katahimikan

Gusto na kitang makalimutan
Mga araw na ika'y iniyakan
Mga oras ng kwentuhan
At ikaw ang pinag-uusapan

Gusto na kitang makalimutan
Pag-alala sayo'y nais iwasan
Ngunit paano pa tatanggihan
Kung ito ang gusto ng isipan?
All I Want

This morning when I woke up
Before I tried to get up
My mind is fixed to you
Coz I'm again, thinking of you

I tried my best to forget
About the past and the regrets
But things ain't easy
Tried everything like being busy

Coz all I want is to hold you
To give my everything for you
All I want is to kiss you
To be with you, forevermore

But I know I can't do this
Coz I know I'm not his
Not his one and only
Not his forever baby