Saturday, September 24, 2011

Kaya ko ito. Kakayanin ko :|

Kaya ko nga ba? Harhar... Hindi ko rin suregado. Bakit ba kasi ganito ako? Ma-i-inlove kung kelan huli na. Kung kelan hindi na niya ako gusto. Hindi ko alam kung fault ko to o siya. Kasi hindi niya ako hinintay? Porque? Sabi naman niya iintayin niya ako. Sabi niya ayos lang ang three months. Wala na nga akong balaik intayin yun eh kasi mahal ko na siya. Ngayon hindi ko na alam.

Minsan iniisip ko, sana hindi ko na lang ti naramdaman. Yung mahalin pabalik. Kuntento naman akong iniiyakan si Oruwe. Nagmamaktol dahil hindi na ako nirereplayan sa chat ni Gaara. Nalulungkot kasi hindi na ako pinapansin ni Goku. Bakit ba kailangan pang dumating siya? Akala ko, siya ang magiging healer ko. Yung taong ipagsasawalang bahala yung mga insecurities ko sa katawan. Yung taong pwede akong mahalin kung ano ako. Yung tanggap ako kahit gaano pa kalaki yung balakang ko at kung gaano pa kalaki ang tigyawat ko sa mukha.Hindi naman pala.

Parang ayoko na tuloy mainlove. Ilang beses na ba akong natanga? Paulit-ulit. Hindi nagsasawa ang puso ko. Tapos ayaw akong tigilan ng mga taong mahilig magpaasa. Pucha. Pusang gala! Lahat na. Ayoko ng iasa lahat kay Batman. Baka paasahin niya rin ako na may mangyayaring mabuti.

Eh ewan. Post na lang muna ito. Gagamitin na ni Mama ang Computer.

PS: seryoso to. Ayoko lang masyadong seryosohin baka maaning ako :P

Wednesday, September 7, 2011

Dear: Chupachups (sino to?) Ewan. Magbasa ka na lang,

 Eh di ako na happy! (ikaw na?!) Oo ako na nga. HaHa... Alam mo yung masaya na natatakot? Ako yun eh. This guy, I'll call him Leo, makes me feel that way. Ayoko na kasing maniwala. ilang beses na ba akong nagpakatanga? Ilang beses na ba akong nasaktan dahil sa pag-ibig na yan? Mula kay pera, kay Gaara, at kay, Goku, kay Theus at ngayon may Leo pang dumating.

Kapag naiisip ko siya, para akong tanga. I smile, pero after sometime, maiiyak ako. Honestly, ayokong maniwala sa kanya at first (and until now, my doubts pa na ako), pero he is the guy na unti-unting nafu-fulfill yung mga nasa corny na listahan ko kahit puro pangako lang. Kahit hindi ko man lang nabanggit sa kanya yun, kahapon lang. Lagi akong may hesitation sa mga sinasabi niya kahit alam ko sa puso ko, kahit pakiramdam ko, seryoso siya. That he is really willing to love me. That he really accept m for me. Alam ko at ina-admit ko na hindi ako maganda. Given na yun. Dati nga iniisip ko kung bulag lang siya or wala sa wisyong ang utak. Baka naaaning lang. Pero imposible eh.. NakakapagDOTA nga yun eh, at maayos naman siyang kausap. Matino. may sense. Masarap kausap. Ah ewan.

Until now, I really don't know who or how to believe. I admit na masaya ako kapag kausap ko siya. I feel safe. I feel happy. Happy na hindi pinipilit. Happy na natural. I can laugh all I can and I can be what I want to be. Yung pagod ko, napapawi. Kahit yata lakarin ko ang buong metro manila, okay lang. As long as kausap ko siya. Sanay na nga yung tenga ko na laging may earphones eh. I want to talk to him every single second of the day. Text o personal o call pa yan. Kahit chat sa net, though hindi naman kami nakakapag-usap sa net eh.

Siguro, isa na lang ang iniintay ko. Unting effort pa. Siya na nga ba talaga? I really don;t know. Ang sakit na ng ulo ko.. T.T

This starts Today

HAHA.. Isusulat ko dito lahat ng Entry ko sa Diary ko with matching code names and everything. Wala. naisip ko lang na gawin ito. Mas okay kasi magsulat dito kaysa sa mga notebook.

Isusulat ko muna ang lahat ng nakalagay sa dati kong diary bago ko i-update yung mga bagay na nangyayari sa akin. Yun lang. :) Happy Reading