Monday, November 10, 2014

Jealous Bitch Like Me

"Bakit kahit anong gawin ko laging kulang?" - Mae Chua
“Mahalaga ako sayo, pero hindi mo ako mahal.” - Mae Chua
 "Kahit sabihin ko sa sarili kong tama na, isang text mo lang nandiyan na ko, hindi kasi kita matiis eh." - Mae Chua
Sana minsan makita mo rin ako. Kasi ako, ang nakikita ko, ikaw lang. Bogs, tayo na lang. Akin ka na lang. - Mae Chua


Bakit kaya ganun no? Ang hirap magmahal. Ang hirap magmahal sa taong may mahal ng iba. Ang hirap magmahal sa kaibigan mong may mahal ng iba. Pero ang pinakamahirap, yung mahal mo, may mahal na kaibigan mo rin.

Madalas tong blog ko, hingahan ko ng mga sama ng loob. Sabihan ko ng mga happy moments, mga depress moments, malungkot moments, naguguluhan moments at kung anu-ano pang moments. Wala naman kasing makakabasa nito. Iilan lang din ang followers, mga kaibigan ko pang tiyak kong hindi na binubuklat ang mga blogs nila. Hahaha,

So more or less na kwento ko na sa blog ko ang taong tinutukoy ko.

Yung movie na paano na kaya, medyo relate ako dyan. Kasi pakiramdam ko, hinuhugot nila sa buhay ko yung mga sinasabi ni Mae kay Bogs. Magkaiba nga lang kami ng naging ending. Yung sa kanila kasi, after all the drama, after being supportive ni Mae kay Bogs at nung nag-aminan na, naging happy ending na. Yung akin, after trying to be there for him at napilitang umamin, hindi ko na alam kung anong nangyari sa buhay ko.

Minsan kasi, masaya. Minsan kuntento lang. Minsan sobrang lungkot. Pero madalas, nakakaiyak. Dumating pa nga sa point na kasama ko silang dalawa(together with the barkada) at nag-CR ako bigla kasi hindi ko na kinakaya. Pero isa lang yung napansin ko. Ang puso ko, never ng napahinga. Hindi naman sa gusto ko na siyang tumigil. Gusto ko lang na mawalan muna ng pakiramdam. Minsan kasi pakiramdam ko, tinutusok ng milliong-milliong karayom at unti-unti siyang hinuhugot. Itutusok isa-isa, then huhugutin isa-isa. Slowly and painfully.

Lalo na kapag magkasama silang dalawa. Tinatry ko naman na keber eh. Na wala akong pakialam pero masakit talaga sobrang sakit, Minsan parang ayoko na lang sumama pero ayokong maging unfair sa iba kong barkada. Pero walang gathering na hindi ako umiiyak pagkatapos. Kasi nararamdaman ko eh. Nararamdaman kong mahal niya pa si Girl. Nararamdaman ko na hindi siya gusto ni Girl at alam kong masakit yun. Kung paanong masakit sa akin ang hindi niya ako kayang mahalin.

Nito lang. We went to the Ilocos! Yey! Masaya yung experience. Kung wala lang sigurong pakiramdam ang puso ko. Magkakasama kaming barkada. Pero sa tuwing magdidikit sila, nararamdaman ko yung unspoken words niya. Kung gaano niya ito kamahal. May isang pagkakataon nga eh. Feeling ko, hindi naman dahil sa babaeng nakatayo sa bintana namin ang reason kung bakit hindi ako makatulog. Kundi yung fact na mas pinili niya pa ring tabihan si Girl kaysa sa akin na takot na takot. Inuna niya pa rin ito. Tsaka isa pang reason siguro ay yung fact na magkatabi sila sa kama. Magkatabi silang matulog at nung sinilip ko sila sa kwarto dahil nautusan akong kumuha ng powerbank ng isang kaibigan sa kwartong pinagtutuluyan nila. Hindi maiwasang maiyak ako. Nakita ko sila. Nakahiga. Magkayakap. Ang sakit. Kasi wala akong masabihan. Kasi alam ko, dapat lahat positive. Pero hindi ko kaya. Simula noon, parang gusto ko na lang umuwi na. Gusto ko na lang matapos na to. Kasi gusto ko ng humiga sa kama at umiyak.

Minsan iniisip ko, makakaalis pa ba ako dito? Matatapos pa kaya to? Kasi ayoko na. Gusto kong magwala. Gusto kong magdabog. Magbasag ng pinggan. Sumigaw. Murahin ang lahat. Maubos lang tong sakit na nararamdaman ko. Pero dahil hindi nga ako madramang tao sa hirap ng iba, wala akong nagawa kundi magpatay malisya. Masaktan mag-isa. Magmukmok mag-isa.

Siguro kung asido ang sakit sa puso dahil sa selos, sakit at sawing pag-ibig, baka ubos na yung akin. Baka hindi lang yung puso ko yung mawala. Baka pati ako. Kasi sobra na. Gusto ko ng takbuhan to, pero para siyang magnet. Sana hindi na lang. Sana hindi na lang kami magkakilala. Sana magka-amnesia na lang ako. Or siya. Or both. Yung tipong hindi na namin maaalala ang isa't isa. Kaya naman naming mabuhay kung wala kami sa buhay ng isa't isa. Marami naman siyang kaibigan eh. Marami na rin ako.

Ang pinakamasakit sa biyaheng ginawa ko this weekend, nakita ko ang pagiging pathetic ko. Kasi habang pinipilit kong alagaan siya, pinipilit naman niyang alagaan yun taong yun. Hindi naman ako galit sa kaibigan kong mahal niya. Nakakalungkot lang kasi pakiramdam ko, nalilead on siya. Haist.

Sana sa susunod kong sulat sa blogger. Hindi na tungkol kay Artemio Dela Cruz. Sana next sulat ko. yung wala na akong keber sa kahit anong mangyari. Kasi sagad na sagad na yung sakit. :)

Saturday, September 20, 2014

I feel good and pathetic all at the same time while writing this

Alam mo ba kung gaano kita namimiss? Malamang hindi. You're so near pero pakiramdam ko nasa kabilang parte ka ng mundo? Alam kong di ka bobo. Nararamdaman mo to. Nararamdaman mong nasasaktan ako. And kung di ako magkakamali, inassume mo na galit ako dahil sa post mo sa facebook. Nagalit naman talaga ako. Pero hindi sayo. Sa akin.

Sobrang mahal kita alam mo ba yun? Hindi naman ako nagagalit sayo. Nagagalit ako sa sarili ko. Nagagalit ako na nasasaktan ako. Na hindi kita kayang layuan kahit masakit na. Na kahit ganito ang nangyayari, hindi ko pa rin mapanindigan na gusto kitang layuan. Ang sakit lang eh. Alam ko naman. Paulit-ulit ka naman at napakastraight forward mo naman. Sinabi mo naman, mula mismo sa bibig mo na hindi mo ako kayang mahalin. Pero ano tong trip ko? Ayokong tumigil.

Hindi naman ako galit sayo. Galit ako sa sarili ko kasi kahit ilang beses kong sabihin, kahit ilang beses kong subukang gawin, alam kong mamimiss kita. Takot ako na mawala ka. Takot ako na masayang din lahat. Takot ako na mawala ka kasi pinili kong lumayo at umiwas. Naiinis ako sa sarili ko kasi ang dami kong kinakatakutan.

Hindi ko alam kung hanggang kailan to. Minsan naiisip ko na sana kusa na lang siyang mawala. Sana matapos na kasi masakit na. Pero never kitang sinisisi sa pain ko. Because I know i'm causing this pain to myself. Alam ko na ako lang naman yung assumera. Ako lang yung pinagsisiksikan ang sarili ko sayo. And i hate myself for being like this.

Minsan tinatanong ko yung sarili ko kung bakit ganito kita kamahal. Haha! hindi naman ikaw yung hopeless romantic. And I don't think you're the type na kakausapin ako every now and then kapag naging tayo. You are more of the independent type. Hindi ko type yung ganun. Mas trip ko yung iseserenade ako. Eh hindi ka nga ata marunong tumugtog ng gitara which by the way is one of my criteria for an ideal husband. Hahaha! Andaming wala sayo. Pero ewan ko ba, Pinili kita.

Sabi ko nun, wag tayong bigyan ng malisya. Hindi dahil ayoko sayo, ayoko lang ng idea na akala ng tao tayo, yung bagay tayo sa paningin nila. Mas umaasa kasi ako. Nakakatawa nga kasi may nag-pm sa akin dati kung tayo pa daw ba at ang tagal na natin. Nakakatawa no? At nakakalungkot sa akin. Kasi nakikita nila pero di naman mangyayari. Para silang manlolokong manghuhula na nakakasama ng loob kasi I'm rooting for it to happen. Gusto ko din mangyari kung anuman ang naiisip nila. Kung ano yung pakiramdam nila para sa ating dalawa.

Hindi din naman kita gustong tanggihan noon(this is just my side kahit pa sinabi mong biro lang yun). Alam ko naman kasi kung gaano mo kamahal si girl eh. Alam ko yun kasi ako yung sinasabihan mo dati nun na masakit pala kapag ganito o kapag ganyan. Kahit masama sa loob ko, nakikinig ako. Kasi katwiran ko, kasama naman kita. Noon kasi, sapat na yun. yung kasama kita. Kausap and that sometimes we have the same idea sa isang bagay. Kung paanong nagkakasundo tayo. Kaya alam ko. Kaya kahit gustong-gusto ng puso ko, tumanggi ako. Kahit alam kong kukng kayang bugbugin ng puso ang sarili, ako na ang unang nakagawa nun. Kasi masakit lang eh. Kung naging tayo man noon, alam ko, magiging selosa lang ako at mag-aaway lang tayo,

Naiisip ko noon, ang swerte niya. Hindi dahil nakukuha niya yung gusto niya o dahil maraming nagkakagusto sa kanya o dahil marami siyang nagawa na sa buhay. Swerte siya kasi, mahal mo siya. Yung nag-iisang bagay na ginusto kong makuha, nakuha niya. Hindi naman ako mahiling na tao, alam mo yan. Ang gusto ko lang, may magmahal sa akin ng totoo. Yung hindi ako second option. Kaya ang sama ng loob ko nung tinanggihan niya yun. Lalo na nung nasaktan ka dahil di ka niya tinanggap. Nasaktan ako nun. Nung nagwala ka, sobrang sama ng loob ko nun kasi wala akong magawa.

Nasasabi ko yan pero nung ako yung tinanong mo, tinaggihan din kita. Hahaha. Shunga ba? May reason naman ako nun. Alam ko biglaan lang ang desisyon mo na yun. Natakot ako na baka mauwi lang sa wala. Natakot ako na kung parehas tayong impulsive, baka masira lang yung kung ano lang ang kaya mong ibigay sa akin-yung pagkakaibigan natin. Sobrang takot lang naman akong mawala ka eh kaya sorry. Kung nasaktan kita noon, which I doubt kasi nga joke lang yun, sorry. Sorry talaga. Sobra akong kinain ng takot nun kaya sorry. Sobrang sorry.

Ngayon, binabalak kong lumayo, kasi masyado ng masakit. Kasi alam ko, darating yung araw na, makikilala mo rin yung babaeng para sayo at natatakot ako para sa sarili ko kasi baka di ko makayanin yung sakit kapag naging kayo na. Ang selfish ng wish ko ngayon pero, kaya mo ba akong hintayin? Pwede mo ba akong intindihin? Pwede bang lumayo ka din muna sa akin? Gusto ko lang mawala tong nararamdaman ko. Alam ko naman kasing hindi mo din kayang  ireciprocate,  Pwede bang tigilan muna natin ang pagiging magkaibigan? Itatak ko muna sa sarili ko na hanggang doon lang ang kaya mong ibigay. Na hanggang doon ka lang? Na hanggang doon lang tayo?

Wala ka talagang kasalanan promise. Ako to eh. Ako yung naniwala sa sabi-sabi. Ako yung nag-assume. Ako yung nangarap at naniwala. Ako yung nagbigay kahulugan sa lahat ng ginagawa mo para sa akin. Ako yun. Hindi ka kasama doon. Kaya pwede bang wag kang sumama ngayon? Pwede bang hintayin mo lang ako? Kasi hindi ko talaga kayang mawala ka bilang kaibigan. Kahit yun na lang.


--G

Saturday, August 2, 2014

Feeling Writer Mode

Gusto kong magsulat. Bata palang ako, madalas ko ng binibigyan ng kung anu-anong stick figures na drawing ang mama ko bago siya pumunta sa office. Sana ganun pa rin ako ngayon. Sana naisusulat ko pa din ang lahat ng gusto kong isulat.

Gusto kong magsulat. Gusto kong maisalibro ang mga ginagawa ko. Gusto kong makasalubong ng mga teenager o mga nanay o mga book reader na hawak ang libro ko. Gusto ko maging isang epektibong manunulat.

Gusto kong magsulat. Actually, hindi lang basta magsulat, gusto ko yung makapagsulat ako ng manuscript na sobrang effective, yung mararamdaman mo yung mga mararamdaman ng mgs characters na ginawa ko. Yung makakaramdam sila ng galit sa antagonist ko. Yung makaramdam sila ng awa sa protagonist, mainlove sila sa hero ko o maging parte sila ng mga lovelife ng supporting chararcters ko.

Gusto kong magsulat. Yung manuscript na hindi common para hindi pagsawaan. Yung maganda at may matututunan. Yung pwedeng gawing palabas, series o movie kasi maganda, at may patutunguhan.

Gusto kong maging manunulat. Yung manunulat na hindi puro salita. Yung manunulat na maimpluwensya, na may sinasabi. Pero paano? Hindi ko makita ang inspirasyon ko sa pagsusulat. Hmmm.

Sunday, July 27, 2014

Weighing Uncertainty

Uncertainty: The lack of certainty. A state of having limited knowledge where it is impossible to exactly describe the existing state, a future outcome, or more than one possible outcome.

Ang buhay ng tao, punong-puno yan ng uncertainty. Bakit? Nakahanap o nakaharap ka na ba  sa isang tao na alam na ang mangyayari sa kanya, ten, five or eight days from now? Yung tipong alam niya na kung anong sasabihin sa kanya ng boss niya at kung ano ang EKSAKTONG ipapagawa nito ngayon o sa mga susunod na araw?

Wala naman diba? Lahat kasi ng aspeto ng buhay, merong ganun. Kasi kung wala, anong saysay ng buhay? Would it still be worth living kung alam mo na kung paano ka mamamatay o kung paano tatakbo ang buhay mo o kung paano ka maggogrow sa bawat sandali ng buhay mo, physical, mental o emosyonal? Anong sense? Anong thrill, kung lahat pala alam mo na? Diba wala. Magchill ka na lang. Nakaplano naman na pala ang lahat eh.

Pero naisip ko, sa dalawang dekadang pagiging buhay ko sa mundo, walang uncertainty na masaya. Madalas nakakalungkot, nakakinis, at nakakaiyak. Yung mga uncertainty na ang pagpipilian ay meron o wala. Or meron ba talaga o wala talaga. Yun bang nagdedetermine kung illusyunado/illusyunda ka lang pala.

Sa dalawang dekada ng buhay ko, may ilang beses na naging magulo at nauwi sa wala ang mga kadramahan ko dahil sa uncertainty na yan. Madalas na dahilan eh ang pag-ibig. Di ko na nga mabilang kung ilang beses na akong umasa sa wala. Puro one-sided, kung hindi naman, yung kasiguraduhan ba na mahal ako ng isang special na tao sa buhay ko. Masakit. Nakakapagod at kung minsan(at kung kaya ko lang) matagal ko ng binalewala. Minsan kasi, parang paulit-ulit na lang. Hoping na this time, iba naman ang kalalabasan. Yun bang sana this time, hindina ako umuwing wasak.

Pero naisip ko, di naman dapat si "uncertainty ang dapat sisihin eh. Hindi naman siya ang umaasa o nag-aassume o nakakaalam ng mangyayari, kasi nga di sigurado. According na rin sa given meaning sa taas, "limited knowledge where it is impossible to exactly dppdescribe the existing state". Ibig sabihin, wala pang sapat na basehan ang lahat. Kaya hindi siya ang may kasalanan. Tayo bilang tao. Tayo na nag-aassume.

Hindi kasalanan ng kahit sino kapag sa isang uncertain na sitwasyon ay nalungkot ka. Kasi ibig sabihin lang nun, nag-assume ka na. Kumbaga sa isang research paper, di pa nga kumpleto ang facts mo, may conclusion ka na. Kumbaga sa judge, hindi pa naipapakita ang lahat ng evidence, may hatol ka na.

Hindi ba masyadong unfair na yun? Think about this whenever you're in an uncertain situation, "Never assume, unless otherwise, stated"

Monday, April 21, 2014

This Person (Yep. That's you!)

Itong taong to. Na na nakilala ko sa pamamagitan ng isang kaibigan ng kaibigan. Na siyang unti-unti kong pinagkatiwalaan at ginawang best friend kahit pa hindi ganun ang tingin niya sa akin.

This person, who has been my crying shoulder all the time I face the most heartbreaking part of my life. Who helped me through it all. Who is my pusher. He pushed me to do things I never did. He showed me that life has something better to offer. That I should never ever cry for some stupid guy who has no balls. Sa nag-iisang tao na nakakakuha at nakakintindi ng mga trip kong gawin sa buhay. Siya yung go lang kahit saan.

At siya lang yung taong nainlove ako ng ganito.

Paano? Basta ganito. Hindi ko ma-explain pero thankful ako sa kanya. Kasi hindi siya nawala sa akin. Kahit dalawang beses na ata akong umamin sa kanya na mahal ko siya, hindi pa rin siya nagbabago. Siya pa rin ang cool friend ko.

Hoy ikaw, May pagkakataon mangmabasa mo to, maraming salamat sayo. At simula ngayon, medyo iiwas ako. Bakit? Dahil nagkakaroon na ng complications ang buhay ko na hindi ko ineexpect and it's not because of you. It's mostly me. Sana kahit ganito, wag kang mawawala. Wag mo akong iiwan kahit ako ang mauuna. Alam ko namang maiintindihan mo, balang araw magegets mo rin. Diba sabi mo matalino ka? Na ang understanding mo lagpas pa sa height mo. Sana maintindihan mo.

Alam ko. May posibilidad na magkalayo tayo ng loob pero kahit ganun, anuman ang mangyari. Ikaw pa rin ang nagtawid sa akin para mas maging positibo sa buhay. Tenchu!!! :)))