"Bakit kahit anong gawin ko laging kulang?" - Mae Chua
“Mahalaga ako sayo, pero hindi mo ako mahal.” - Mae Chua
"Kahit sabihin ko sa sarili kong tama na, isang text mo lang nandiyan na ko, hindi kasi kita matiis eh." - Mae Chua
Sana minsan makita mo rin ako. Kasi ako, ang nakikita ko, ikaw lang. Bogs, tayo na lang. Akin ka na lang. - Mae Chua
Bakit kaya ganun no? Ang hirap magmahal. Ang hirap magmahal sa taong may mahal ng iba. Ang hirap magmahal sa kaibigan mong may mahal ng iba. Pero ang pinakamahirap, yung mahal mo, may mahal na kaibigan mo rin.
Madalas tong blog ko, hingahan ko ng mga sama ng loob. Sabihan ko ng mga happy moments, mga depress moments, malungkot moments, naguguluhan moments at kung anu-ano pang moments. Wala naman kasing makakabasa nito. Iilan lang din ang followers, mga kaibigan ko pang tiyak kong hindi na binubuklat ang mga blogs nila. Hahaha,
So more or less na kwento ko na sa blog ko ang taong tinutukoy ko.
Yung movie na paano na kaya, medyo relate ako dyan. Kasi pakiramdam ko, hinuhugot nila sa buhay ko yung mga sinasabi ni Mae kay Bogs. Magkaiba nga lang kami ng naging ending. Yung sa kanila kasi, after all the drama, after being supportive ni Mae kay Bogs at nung nag-aminan na, naging happy ending na. Yung akin, after trying to be there for him at napilitang umamin, hindi ko na alam kung anong nangyari sa buhay ko.
Minsan kasi, masaya. Minsan kuntento lang. Minsan sobrang lungkot. Pero madalas, nakakaiyak. Dumating pa nga sa point na kasama ko silang dalawa(together with the barkada) at nag-CR ako bigla kasi hindi ko na kinakaya. Pero isa lang yung napansin ko. Ang puso ko, never ng napahinga. Hindi naman sa gusto ko na siyang tumigil. Gusto ko lang na mawalan muna ng pakiramdam. Minsan kasi pakiramdam ko, tinutusok ng milliong-milliong karayom at unti-unti siyang hinuhugot. Itutusok isa-isa, then huhugutin isa-isa. Slowly and painfully.
Lalo na kapag magkasama silang dalawa. Tinatry ko naman na keber eh. Na wala akong pakialam pero masakit talaga sobrang sakit, Minsan parang ayoko na lang sumama pero ayokong maging unfair sa iba kong barkada. Pero walang gathering na hindi ako umiiyak pagkatapos. Kasi nararamdaman ko eh. Nararamdaman kong mahal niya pa si Girl. Nararamdaman ko na hindi siya gusto ni Girl at alam kong masakit yun. Kung paanong masakit sa akin ang hindi niya ako kayang mahalin.
Nito lang. We went to the Ilocos! Yey! Masaya yung experience. Kung wala lang sigurong pakiramdam ang puso ko. Magkakasama kaming barkada. Pero sa tuwing magdidikit sila, nararamdaman ko yung unspoken words niya. Kung gaano niya ito kamahal. May isang pagkakataon nga eh. Feeling ko, hindi naman dahil sa babaeng nakatayo sa bintana namin ang reason kung bakit hindi ako makatulog. Kundi yung fact na mas pinili niya pa ring tabihan si Girl kaysa sa akin na takot na takot. Inuna niya pa rin ito. Tsaka isa pang reason siguro ay yung fact na magkatabi sila sa kama. Magkatabi silang matulog at nung sinilip ko sila sa kwarto dahil nautusan akong kumuha ng powerbank ng isang kaibigan sa kwartong pinagtutuluyan nila. Hindi maiwasang maiyak ako. Nakita ko sila. Nakahiga. Magkayakap. Ang sakit. Kasi wala akong masabihan. Kasi alam ko, dapat lahat positive. Pero hindi ko kaya. Simula noon, parang gusto ko na lang umuwi na. Gusto ko na lang matapos na to. Kasi gusto ko ng humiga sa kama at umiyak.
Minsan iniisip ko, makakaalis pa ba ako dito? Matatapos pa kaya to? Kasi ayoko na. Gusto kong magwala. Gusto kong magdabog. Magbasag ng pinggan. Sumigaw. Murahin ang lahat. Maubos lang tong sakit na nararamdaman ko. Pero dahil hindi nga ako madramang tao sa hirap ng iba, wala akong nagawa kundi magpatay malisya. Masaktan mag-isa. Magmukmok mag-isa.
Siguro kung asido ang sakit sa puso dahil sa selos, sakit at sawing pag-ibig, baka ubos na yung akin. Baka hindi lang yung puso ko yung mawala. Baka pati ako. Kasi sobra na. Gusto ko ng takbuhan to, pero para siyang magnet. Sana hindi na lang. Sana hindi na lang kami magkakilala. Sana magka-amnesia na lang ako. Or siya. Or both. Yung tipong hindi na namin maaalala ang isa't isa. Kaya naman naming mabuhay kung wala kami sa buhay ng isa't isa. Marami naman siyang kaibigan eh. Marami na rin ako.
Ang pinakamasakit sa biyaheng ginawa ko this weekend, nakita ko ang pagiging pathetic ko. Kasi habang pinipilit kong alagaan siya, pinipilit naman niyang alagaan yun taong yun. Hindi naman ako galit sa kaibigan kong mahal niya. Nakakalungkot lang kasi pakiramdam ko, nalilead on siya. Haist.
Sana sa susunod kong sulat sa blogger. Hindi na tungkol kay Artemio Dela Cruz. Sana next sulat ko. yung wala na akong keber sa kahit anong mangyari. Kasi sagad na sagad na yung sakit. :)
No comments:
Post a Comment