Friday, November 25, 2011

HAMHAM! HAMHAM! I LOVE YOU! :P

 Mahal ko siya. Period.

Ek is lief vir jou. Seni seviyorum. T'estimo. Volim te. Jeg elsker dig. Ik hou van je. Ma armastan sind. Rakastan sinua. Je t'aime. Querote. Ich liebe dich. Mwen renmen ou. Szeretlek. Aku mencintaimu. Io ti amo. Watashi wa anata o aishite. Nan dangsin-eul salang haeyo. Eu te amo. Te iubesc. Volim te. YA lyublyu tebya. Ljubim te. Te amo. Phm rak khun.

 Wala kayong naintindihan no? HAHAHA.. Pero according kay pareng google translate na minsan may sapak at hindi ko makausap ng matino (lalo na kapag may mga project), I love you daw ibig sabihin nyan.

So now what?

Well, I just want to shout to everyone how much I love him. How much I'm happy with his company even though we don't see each other often. I love him so much. I know most of my post here about him is very sad,  very much negative, but still my love for him never changes. May mga misunderstandings pero we can find ways to solve it. Siguro that keep us stronger. And so far naman, bumabawi na siya. Actually, bawing-bawi na nga.

Isa lang wish ko. Sana siya na hanggang huli because I'm willing to love him until the day after forever ends.

I love you badzskii Rabaja.
I love you http://www.facebook.com/badz.toinkz
I love you HamHam ko.
I love you asawa ko.
I love you. Period

NP: The man who can't be moved. :D

PS: Wait for the story I made for this song :)

Wednesday, November 9, 2011

October 11, 2011: It's Official

So kami na nga. Hindi ko lang alam kung tama ba tong ginawa ko. HAHAHA. Ganito kasi eh, mahal ko siya, at sabi niya, mahal niya ako. Pero hindi ko talaga maramdaman. Lagi niyang sinasabi, "babawi ako" pero kelan, kapag puti na ang uwak o kapag pantay na ang paa ko? Ewan. Mahal ko talaga siya. and I'm trying my best na intindihin siya everytime. Pero tao lang ako. Napapagod din. Minsan hindi ko na nga alam kung utak ko lang ang may sapak o talagang kulang lang. Alam mo yun, napaparanoid na ewan na ako. Para na akong tanga.

Sabi ko sa Bestfriend ko, dinaig pa ng nararamdaman ko kay pera. Kasi kay Pera, umiiyak ako dahil na-mimiss ko lang siya. Pero sa kanya, umiiyak ako dahil hinahanap ko yung mga pinapangako niya sa akin. Hindi naman ako yung tipong nagdedemand. Ayoko nga ng nakakaabala ako eh pero kapagt pinangako mo, asahan mong kukulitin kita para tuparin yun.

Pero bakit ganun, kahit anong galit ko sa kanya, kahit anong sabi ko sa sarili ko na iiwanan ko na siya dahil sinasaktan niya lang ako, kapag narinig ko yung boses niya, at nag-"I Love You" siya, wala na. Nawala ng parang bula yung lahat ng galit at sakit na nararamdaman ko. Dinaig pa ang bilis ng alon sa paghupa ng galit ko. Ewan.. Ewan ko na lang talaga.

Ang akin lang naman, mahirap bang gawin yung gusto ko? It's always the same problem. Kaso nadagdagan lang ng unti ngayon. Ngayon kasi meron na siya. "Babawi ako" o kaya naman, "30 mins na lang to hon. Sandali na lang" pero namumugto na yung mata mo kakaintay, inaantok ka na sa sobrang tagal pero wala pa rin siya, tapos magtatanong pa na, "inaantok ka na?". Minsan parang gusto ko na lang isigaw. "OBVIOUS BA?!?! IKAW KAYA MAGHINTAY NG SOBRANG TAGAL, TIGNAN NATIN KUNG HINDI KA ANTUKIN!!!!!"

bwiset... Hindi ko naman magawa... T.T

Wednesday, October 12, 2011

Sa dami ng gagawin nakuha ko pa talagang mag-blog

Dapat matutulog na ako. Itutulog ko na lang muna lahat ng gawain ko at maya-maya ko na siya tatapusin. Pero hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para wag ipatay ang computer at pindutin ang google chrome at isearch sa url tab ang blogger.com. Siguro, naisip ng utak ko na baka makapag-unwind ako dito. Marami na rin namang nakaimbak sa utak ko na gusto kong sabihin, o ipagkalat.

Haayy... Parang bigla akong naiyak. Lately kasi, hindi ko na alam ang posisyon ko kay Leo. Nagdecide kasi kaming mag "cool down" dahil na rin sa problemang pamilya niya at sa mga insecurities ko. Hindi kasi siya pwedeng tawaging "break up" kasi hindi naman kami at lalong hindi naman friends with benefits and perks ang tema namin. I admit na may mali ako, most of it. Pero ewan.. i feel na tama pa rin ako.

Mababaw lang naman akong tao, pero marami akong gusto. Tulad ng pagloload niya, hindi niya ba naisip na minsan yun na lang yung way ng communication namin. Na gusto ko lagi siyang may load kasi gusto ko lagi ko siyang kausap. Gusto ko lagi kong alam kung safe siya o hindi. Gusto ko na lagi akong malapit sa kanya kahit sa boses lang? Frustration ko na nga na hindi ko siya maalagaan, hindi pa siya nagtetext. Hindi ko pa alam kung okay lang siya. Kung nakakain na ba siya, at kung anong nangyari sa araw niya. Mano ba namang gumawa ng paraan para maitext ako sa umaga. Masabi bang maalala lang ako kahit katiting? Kahit sandali lang?

Alam ko iniisip mo, ang babaw ko. Yes! Inaamin ko yun and believe me, iniiyak ko ang pagloload na yan. Minsan iniisip ko nga na iiwan ko na lang siya kasi masasaktan ko siya sa pagiging nagger ko. Na baka magsawa siya at bigla na lang akong iwan. Paano na ako kapag ganun?

haist, yan mostly ang kinakainit ng ulo namin... ang pagiging nega ko at hindi niya pagloload. Depressed ako kapag hindi siya nagloload. Kulang na nga lang paloadan ko siya, pero pakiramdam ko ang cheapanga ko kung gagawin ko yun.

So ngayon, nasa state kami na hindi mo alam kung okay lang kami parehas o parang may kulang. Na parang anjan na naudlot pa. Ni hindi ko nga sigurado kung mahal niya pa rin ako or what. Ang akin lang naman kasi, mahirap ba yung hinihingi ko? Mahirap bang alalahanin ako kahit isang beses sa isang araw lang?

waaaaaaaaaa..... Naiiyak ako T.T

Monday, October 10, 2011

Top 20 Reason Why I Want To Be a Better Woman

20. My best Bud :P


19. My Firsts

18. My Only Happiness

17. My crying shoulder

16. Problem Absorber?

15.  My Shock Absorber

14. Earphone Buddy

13. *insert monthsary here* XD


12. Walang Iba (Ezra Band)

11. My One and Only

10. Labidabs

9.  Simple Joy

8. Mahal ko

7.  Honey ko

6. Hon

5. Bardz

4. Badz

3. Badong

2. Badzskii Rabaja

1. Leobardo Rabaja


     So ayan na wilow ang request mo. Kaso 20 lang eh. Hindi na kayang i-process ng utak ko. Isa lang ang sure ako, Love ko siya (.^_^.)


Saturday, September 24, 2011

Kaya ko ito. Kakayanin ko :|

Kaya ko nga ba? Harhar... Hindi ko rin suregado. Bakit ba kasi ganito ako? Ma-i-inlove kung kelan huli na. Kung kelan hindi na niya ako gusto. Hindi ko alam kung fault ko to o siya. Kasi hindi niya ako hinintay? Porque? Sabi naman niya iintayin niya ako. Sabi niya ayos lang ang three months. Wala na nga akong balaik intayin yun eh kasi mahal ko na siya. Ngayon hindi ko na alam.

Minsan iniisip ko, sana hindi ko na lang ti naramdaman. Yung mahalin pabalik. Kuntento naman akong iniiyakan si Oruwe. Nagmamaktol dahil hindi na ako nirereplayan sa chat ni Gaara. Nalulungkot kasi hindi na ako pinapansin ni Goku. Bakit ba kailangan pang dumating siya? Akala ko, siya ang magiging healer ko. Yung taong ipagsasawalang bahala yung mga insecurities ko sa katawan. Yung taong pwede akong mahalin kung ano ako. Yung tanggap ako kahit gaano pa kalaki yung balakang ko at kung gaano pa kalaki ang tigyawat ko sa mukha.Hindi naman pala.

Parang ayoko na tuloy mainlove. Ilang beses na ba akong natanga? Paulit-ulit. Hindi nagsasawa ang puso ko. Tapos ayaw akong tigilan ng mga taong mahilig magpaasa. Pucha. Pusang gala! Lahat na. Ayoko ng iasa lahat kay Batman. Baka paasahin niya rin ako na may mangyayaring mabuti.

Eh ewan. Post na lang muna ito. Gagamitin na ni Mama ang Computer.

PS: seryoso to. Ayoko lang masyadong seryosohin baka maaning ako :P

Wednesday, September 7, 2011

Dear: Chupachups (sino to?) Ewan. Magbasa ka na lang,

 Eh di ako na happy! (ikaw na?!) Oo ako na nga. HaHa... Alam mo yung masaya na natatakot? Ako yun eh. This guy, I'll call him Leo, makes me feel that way. Ayoko na kasing maniwala. ilang beses na ba akong nagpakatanga? Ilang beses na ba akong nasaktan dahil sa pag-ibig na yan? Mula kay pera, kay Gaara, at kay, Goku, kay Theus at ngayon may Leo pang dumating.

Kapag naiisip ko siya, para akong tanga. I smile, pero after sometime, maiiyak ako. Honestly, ayokong maniwala sa kanya at first (and until now, my doubts pa na ako), pero he is the guy na unti-unting nafu-fulfill yung mga nasa corny na listahan ko kahit puro pangako lang. Kahit hindi ko man lang nabanggit sa kanya yun, kahapon lang. Lagi akong may hesitation sa mga sinasabi niya kahit alam ko sa puso ko, kahit pakiramdam ko, seryoso siya. That he is really willing to love me. That he really accept m for me. Alam ko at ina-admit ko na hindi ako maganda. Given na yun. Dati nga iniisip ko kung bulag lang siya or wala sa wisyong ang utak. Baka naaaning lang. Pero imposible eh.. NakakapagDOTA nga yun eh, at maayos naman siyang kausap. Matino. may sense. Masarap kausap. Ah ewan.

Until now, I really don't know who or how to believe. I admit na masaya ako kapag kausap ko siya. I feel safe. I feel happy. Happy na hindi pinipilit. Happy na natural. I can laugh all I can and I can be what I want to be. Yung pagod ko, napapawi. Kahit yata lakarin ko ang buong metro manila, okay lang. As long as kausap ko siya. Sanay na nga yung tenga ko na laging may earphones eh. I want to talk to him every single second of the day. Text o personal o call pa yan. Kahit chat sa net, though hindi naman kami nakakapag-usap sa net eh.

Siguro, isa na lang ang iniintay ko. Unting effort pa. Siya na nga ba talaga? I really don;t know. Ang sakit na ng ulo ko.. T.T

This starts Today

HAHA.. Isusulat ko dito lahat ng Entry ko sa Diary ko with matching code names and everything. Wala. naisip ko lang na gawin ito. Mas okay kasi magsulat dito kaysa sa mga notebook.

Isusulat ko muna ang lahat ng nakalagay sa dati kong diary bago ko i-update yung mga bagay na nangyayari sa akin. Yun lang. :) Happy Reading

Wednesday, August 17, 2011

It wasn't easy..

Alam mo yung pakiramdam na finally nakahanap ka na ng para sayo then malalaman mo hindi pala? Yung his so sweet sayo na akala mo siya na yung maipapakilala mo sa magulang mo pero hindi pala? Yung akala mo pwede mo ng ipagmalaki dahil akala mo mahal na mahal ka niya at ikaw lang pero hindi pala. Pero mali ka pala. Hindi pala totoo lahat ng sinabi niya. Hindi lang pala ikaw ang sinasabihan niya noon.

Isang tanong isang sagot... Wala na bang seseryoso sa akin?

It just felt that way. Lalo na sa ginawa niya sa akin. I was hoping he would be my last. He even made me feel like I was the best girlfriend he'll have and he has on those times. Akala ko, I found "the one". Akala ko seryoso na. Akala ko siya na and I was so stupid to believe all his lies. Eh di ako na ang tanga.

Honestly, oo napatawad ko na siya. Case close. Nagpakatanga ako, at tanga(ayon sa akung mga kaibigan) rin daw siya kasi hindi niya ako sineryoso. Pero maaalis mo ba ang sakit? Maaalis mo ba sa akin na para bang napag-trip-a lang ako. I believe in the essence of love. Naniniwala ako na may isang taong para sayo na magmamahal sayo higit pa sa kaya mo o sa akala mo. Yung taong laging andyan para sayo, hindi bilang kaibigan pero bilang karamay mo sa lahat ng bagay. Isang taong masasabihan mo ng problema at mga pangyayari sa buhay mo.

Kababasa ko lang ng isang vows kanina ng dalawang couple na masasabi kong kilala ko sa pamamagitan ng isang story. Though we never see each other personally. Ang ganda ng vows nila. Simple yet ang ganda. Parang naramdaman mo lahat ng gusto nilang sabihin sa isa't-isa. It made me cry for some reason na hindi ko ma-distinguish. I love happy endings talaga.

Ako kaya? Kelan ko kaya makikita ang happy ending ko? Sometimes naiinis ako kay God kasi most of the time ginagamit niya ako para ma-realize ng mga tao sa paligid ko kung gaano sila ka-special sa isa't isa. Parang laging ako yung daan kung bakit gumagawa sila ng paraan. Ako yung pusher nila sa ganoong mga bagay. I want to ask HIm "why". Bakit ako? Bakit sa lahat ng tao ako pa. Bakit ako yung napiling gumawa ng ganitong bagay kung hindi naman ito nangyayari sa akin?! Bakit?!

Ang drama ko na ata. HAHAHAHA... Anyway, isa lang ang masasabi ko sa unang relationship ko kung relationship bang matatawag yun. Masakit. Sobrang sakit. Yung sakit na parang sana. hindi ko na lang naramdaman. Sana hindi na lang nangyari. Sana.. Sana.. Sana... Kelan kaya matatapos ang mga sana ko?!

Wednesday, July 13, 2011

Dramanesz ni Maloinezs Jejemonesz. Palag?


Sometimes I don't understand anymore how life goes. Minsan, masaya ka na nga lulungkot pa ulit. Or minsan masaya ka na tapos biglang namang lulungkot. Parang ang gulo-gulo na. Kailan kaya ako magiging stagnant? Kailan kaya yung break time ng buhay? Ayoko naman ng habang buhay na break time ha. Wag ganun. Madami pa akong pangarap. Yun bang, "HEP, WAITS LANG HA! COFFEE BREAK MUNA AKO" o kaya naman. "YOSI BREAK! *sabay senyas ng isang stick kay manong takatak*".

Ang hirap mag-juggle ng mga important thing sa buhay. Buhay-studyante. Anak. Apo. Pamangkin. Kaklase. Girlfriend/Boyfriend. Idamay mo pa ang pressure na matatanggap mo sa mga taong nasa paligid mo. Yung mga nangungutya at walang magawa sa buhay. Minsan parang gusto mo na lang ibigay yung buhay mo sa kanila. Parang, "OH SIGE, IKAW NA LANG! IKAW NA LANG GUMAWA NITO." Parang ang dali-dali kasi eh noh..

Bwisit yan.

Pero, inspite sa dami ng iniisip ko... Sa dami ng mga nangyayari sa buhay ko, madami din namang sumusuporta sa buhay ko. Madami akong PUSHER. Madaming nagtutulak sa akin na bumalik sa katinuan este sa katinuan ko na lang pala. Iba kasi ang katinuan ko sa normal na tao. Pohahaha..

Una sa lahat, syempre.. ang nanay ko. Salamat sayo Mama. Though I never have the chance to thank you all the time. I want you to know, through this blog, kahit hindi mo naman (ata) mababasa, na salamat. Salamat dahil nabuhay ako at inalagaan mo ako sa sinapupunan mo sa loob ng mahabang panahon, salamat dahil naging mabuting ina ka sa aming magkakapatid kahit wala kaming alam gawin kundi palabasin ang mga uban mo, salamat sa mahabang pasensya, sa sobrang lawak ng understanding mo, at sa pagtitiwala sa amin kahit sobrang dami na naming kalokohang magkakapatid. Thank you. Cliche man, masasabi kong kulang ang isang paragraph o isang entry sa blog ko ng pagpapasalamat ko sayo.

Kapantay ni Mama, ay syempre ang aking pinakamamahal na Papa. Unang una sa lahat, maraming sorry sa mga pagsagot ko sayo. Sa mga panahong hindi kita nabibigyan ng respeto. Sa panahong hindi kita nasusunod kasi may ideang pumapasok sa isip ko and i can't let go of the computer. Sorry coz I've never been a good daughter to you kahit halos lahat ng panahon andyan ka lang sa likod ko. I remember na ikaw pa nga ang kasama ko sa Hospital nung nahulog ako sa kanal at nagkasugat ng malaki sa tuhod. Lagi kang nandyan. Mapa-sa aming mga anak mo, or sa mga kapatid mo. You're like my Robin Padilla, ready to help kung sinuman ang nangangailangan. Im so thankful na ikaw ang Papa ko kahit hindi ko pinapakita sayo yun most of the time. Salamat ng marami, I may not show you dahil kakaiba ang way ko ng pagpapakita noon sayo, I want you to know na sobrang mahal kita.

Lastly, sa mga tropa ko. Na walang sawang nagpapasensya sa kakulitan ko. Na laging nandyan kapag may kadramahan ako. Mga taong madalas na kasama ko tuwing nag-eemo ako. Salamat. Salamat. Salamat. Walang sawang salamat. Kahit ang alam lang nating gawin ay mag-asaran. Kahit parang wala tayong matinong usapan. Kahit minsan, sobrang seryoso na nung problema, nagagawa pa nating tumawa. Kahit walang bahid ng katinuan ang ating mga utak sa tuwing tayo'y magkakasama. Salamat. Salamat. Salmat talaga. Hindi ko kayang mabuhay sa isang araw ng walang nakakausap ni isa sa inyo.

Maaaring bukas, may madadagdag o mababawas sa kanila, pero thankful ako kasi pinadaan sila ng Diyos sa aking buhay. Thankful ako na kumpleto ako sa aspeto ng pamilya at mga kaibigan. Oo maraming pagsubok, pero mas maraming nagmamahal sa akin, minsan nga nababalewala ko pa.

Kaya thank you sa inyo. Thank you sa bawat taong special sa buhay ko. I don't have to mention you one by one dahil alam ko naman sa puso ko kung sinu-sino kayo. Umingats kayo always. Hayylabbyow guys :)

Thursday, July 7, 2011

INTERNET is BACK!

Sa wakas! Okay na ang internet access namin. Hmm.. Microsoft na lang ang kulang.. Sino pedeng magpahiram ng product key?


Salamat ng maaga!!! :))

Monday, May 30, 2011

A blast with the future writers :)

Yesterday is one of the best day of my life! Whew! I've attended a workshop in Precious Hearts Romances together with my Friend AZEC CHASE. I had a lot of fun and I met new friends who shares the same experience and dream like mine. Sana lang makapasa na ang ilan sa work ko. Salamat-salamat sa workshop though at some points, parang ayaw ko yung isang bagay. Basta. Something's not right. :)

Oh well. You can't expect them to be perfect. Anyway, the good thing is I've learned a lot and I gain a lot of friends from it :)

KUDOS to the LAKADERA'T LAKADEROS GROUP!!!! mwuahugs!!!

Before I forgot, JESS BLAIRE! Ang pangako please :P

Sunday, May 22, 2011

Para hindi na ang PIC namin ang bumubungad na post. nyahahaha..

So. So. Wala lang. Nyahaha.. Bakit may mga tao akong na-mimiss na hindi naman ako na-mimiss? Tapos may iniisip ako na never naman akong dumaan sa isip niya? Tapos may nilalang akong tinitignan sa malayo pero never(as in never) niya pa akong tinignan pabalik. Isa pa, bakit may mga taong pilit mong kinakalimutan pero bandang huli, siya pa rin ang pumapasok sa isip mo. Tsaka, bakit ang sinungaling ko(nyahahaha!!??!?)? Sabi ko naka-move on na ako sa kanya pero nawindang naman ako ng may narinig akong balita na ikinapanting ng tenga ko? Bakit ganun? Bakit ang gulo ng utak ko?
DOCTOR.
BANSA.
HD? (bat damay itow? wahahaha..)

Sana lang talaga wala ng bagong dumating. Or kung meron man, sana siya na yung huli. Yung mamahalin ako pabalik or something like that. :) PAK!!!!

Sunday, May 15, 2011

.yung naka-TSINELAS.

Since hindi ko naman mailagay pa yung picture na gusto kong ilagay, magkukwento na lang ako...

Last Thursday, May 12, 2011, nagkaroon ng swimming ang classroom namin. So syempre kasama si CRUSH doon. Honestly, isa siya sa mga reason ko kung bakit nagpipilit akong sumama. Kahit noon pa man isa talaga siya sa dahilan ko. Call me stupid pero yun eh. (EMO?)

Anyway, hindi ko alam kung may nakalagay ba akong target sa mukha ko bago kami lumusob sa pool dahil puro ako ang pinagdidiskitahan ni Khym at Yvette noong panahong iyon. Sabihin ba namang may gusto ako sa isang classmate namin(hindi si CRUSH) na gwapo naman. Take note: Talagang halos ipinagsigawan pa nila na may gusto ako dun with matching pictures pa. Hanubey! Sige, inaamin kong gwapo siya at lagi kung niloloko si Jem sa kanya, pero ako wala. Kahit katiting na pagtingin wala talaga. Nahihiya lang talaga ako sa kanya kaya natatameme ako tuwing magkadikit kami. Asarin ba naman kami ng bonggang-bongga.

Pero bakit ba ako sa inyo nagagalit???? Nyahahaha.. Ang kuliti ko. :P

Isa lang ang masasabi ko ng araw na iyon. Marami akong na-realize, at marami akong nakitang mga bagay-bagay. Ang hirap pala kapag sa iba mo narinig ang mga bagay na sa mga kaibigan mo lang naririnig. Yun bang, alam mong fact siya pero mas naging kapani-paniwalang fact siya nung iba na yung nagsabi. :) Magulo ba? Nyahaha.. Basta ganun.

Bago ko tapusin ang post na ito, gusto ko lang tong i-share. Convo namin ng friend ko nung nasa LRT kami. About ito sa kanilang dalawa. SA CRUSH ko talaga, at sa CRUSH KO DAW. Magkaparehas kasi sila ng porma nung umuwi. Basta. Basahin nyo na lang.

AKO: alam mo ba kung bakit masayang nakasalamin ng ganito? (yung tinted)
KHYM: Kasi nakikita mo sila kahit sa iba ka nakatingin?
AKO: YEP. Kantahan mo naman ako, Khym. Yung tipong, pasulyap-sulyap lang blah blah. Ganun. Dili!
KHYM: Para kanino ba? Sino ba sa kanila. (magkatabi kasi sila sa LRT)
AKO: yung makapal ang kilay.
KHYM: eeehhhh.. parehas kaya silang makapal ang kilay.
AKO: sige yung naka-violet na lang.
KHYM: eeehhh... Parehas din eh. Ganito na lang. Yung naka-slippers o naka-shoes?
AKO: yung naka-TSINELAS.

Siguro gets nyo na kung sino ang naka-TSINELAS. Ang gusto ko lang iparating, kahit parehas pa silang pumorma, kahit magkamukha pa sila, kay DOC pa rin ako. Siya lang naman ang gusto ko. Hindi naman magbabago yun. Kahit hindi ako yung napili nya. Kaya yung Jazzner na yun, wala yun. Siya lang talaga ang labidabs ko. Wish ko lang ramdam niya para hindi na siya umasa sa wala sa tropapips ko :P :P

HAPPY SUMMER EBLIWAN! :)

Saturday, May 14, 2011

Good Bye Tito Matt..

Hayyy...
Good Bye Tito Matt..

I may not remember kung paano tayo nagkasama noon or kung anu-ano na ang pinagsamahan natin but I know isa ka sa naging malaking parte ng buhay ko noong sa San Andres pa kami nakatira ni Mama. Kahit kasi sa kwento lang ni Mama kita nakikilala, pakiramdam ko hindi ako magiging ganito kung wala ka. Salamat po sa lahat ng nagawa nyo po para sa amin. We will miss you..

Wednesday, May 4, 2011

When He finally knew...What should I do?!

CONVO NAMIN NG ISANG KAIBIGAN:

AKO: Oh? Alam na niya?
Sino ba? Sino bang tinutukoy mo?
SIYA: Si *insert name here*. alam na niya diba? Nakakahalata na kasi siya, dahil na rin kay *mayweather at *pacquiao.
AKO: *speechless*

As in. Literal na speechless. Ang hirap pa lang malaman na nalaman na ng crush mo na gusto mo siya. SHET! Isang malaking SHET! Hindi ko na tuloy alam kung paano siya papakitunguhan. Ang hirap naman kasing maging normal kapag alam mong alam na niya yung sekreto mo at magpanggap na lang na wala kang alam na alam na niya ang hindi niya dapat na malamang sekreto mo. GETS?

Basta. Pero hindi ko alam kung bakit. Diba dapat happy ako? Dapat okay na ako na nalaman na niya yung dapat niyang malaman. Pero this isn't my plan. Ang alam ko nga after two years ko pa sasabihin. Exactly pagkatapos ng graduation. Nakalagay sa likod ng isang papemelrotti(tama ba ang spelling?) na scroll thingy ang message ko, tapos sabay takbo at hindi na ako magpapakita sa kanya except sa reunion. ang ganda ng plano ko diba?

Don't look at me like that. Sige, aaminin ko na ang duwag ng plano ko, but that's the way I want him to know how I feel. Pero bigo na ang planong iyon. Alam na niya. Sayang lang ang walang kwentang plano.

Ang reaksyon niya? Malay ko. Hindi ko din alam. Ang lungkot pala na hindi ikaw mismo ang nagsabi. Na hindi mo nagawa ang pag-amin in your own simple way. Nakakainis isipin na ganun ang nangyari.

Hmmm. Positive side, sabi nila, ako na daw iyon. Kaysa nga naman malaman ko pa ang reaksyon niya at hindi kaaya-aya sa pandinig. I'll pretend na lang daw na hindi ko alam na alam niya na ang secret ko.

Pero..... Tama ba yun?

Thursday, April 28, 2011

Natuwa lang ako dito. Re-post lang ako :))

1. Dapat ba gwapo?

- *looks at his profile picture* hmm. plus point siguro 'yun. Pero hindi naman kailangan. :)

2. Matalino?

- SUPER YEP. Pero hindi matalino as in mala-Einstein. Mahirap pagganun katalino. Magaling magpalusot. Maganda kasi 'yung napapabilib ka sa katalinuhan. :)

3. Preferred age?

- OLDER THAN ME. According yan sa professor ko. Kasi mas mabilis daw mag matura ang utak ng girls kaya mas matanda daw ng 3 years. :)

4. Preferred height?

- Mas matangkad sakin :))) Dahil isa na akong maliit na nilalang :P

5. How about sense of humor?

- SUPER YEP. A guy who can make you smile everytime I'm down. *look at his prof pic again...lol*

6. How about piercings?

- *VOMITS* ayoko. Specially sa tongue. :P

7. Accepts you for who you are?

- SYEMPRE. Mala Bruno Mars...lol

8. Pink hair?

- Red-ish peda na.(Oops may tinutukoy!) Just Kidding. Ayaw, may high lights pede pa. :)))

9. Mushy or no?

- no comment. :P :P :P

10. Thin or fat?

- hmm. chubby. Ang pangit kasi pag thin. Number 10 kami pagnaglalakad...lol

11. Moreno or chinito or mestizo?

- All of the above. :))))))

12. Long hair or short hair?

- ANY. :)))

13. Plastic or metal?

- eeeeehhhh? Boyfriend ba talaga tinatanong mo or what? haha.

14. Smells good?

- haha. Natawa na lang daw. SUPER YEP.

15. Smoker?

- Hmmm. Napaisip ako. Kasi naman eh! No Comment :P

16. Drinker?

- Umiinom pero hindi umuuwing lupaypay. Yung kayang i-handle yung sarili kapag nakainom or umiinom.

17. Boy-next-door type?

- HAHA. pwede. pwedeng-pwede. :))))

18. Musically inclined?

- SUPER-DUPER YEP! Lalo na kapag kayang tumugtog ng gitara or drums. :P

19. Plays piano?

- plus points. :)))

20. Plays bass and/or acoustic guitar?

- O.O SOBRANG YEP!

21. Plays violin?

- plus points. :)))

22. Sings very good?

- HAHA. SYEMPRE. :)))

23. Vain?

- *Vomits* Ayoko. T.T

24. With glasses?

- Plus points. :)))

25. With braces?

- Mas maganda kung wala.

26. Shy type?

- Nope.

27. Rebel or good boy?

- Rebel ang look pero good boy inside. :)))

28. Active or passive?

- Aktibo. :P

29. Tight or bomb?

- Tight?

30. Singer or dancer?

- BOTH. Kung isa lang, singer :)

31. Suplado?

- HAHA. Parang pocketbook, pero type ko yan! :P

32. Hiphop?

- Parang JEJEMON? AYAW.

33. Earrings?

- BIG NO. :)))

35. Torpe?

- HAHA. Pwede. :)

36. Mr. count-my-ex-girlfriends-until-you-drop?

- HAHA. PWEDE. *tingin ulit sa profile pic...lol*

37. Dimples?

- plus points .:)))

38. Bookworm?

- Pwede.

39. Mr. love letter?

- Mas type ko ang Mr. Cheesy Lines :)

40. Makulit?

- YUP. *May naalala*

41. Flirt?

- NO. Akin lang siya. :P

42. Poem writer?

- YEP. Para parehas kami. :)

43. Serious?

- Basta knows when and where to get serious.. :)))

44. Campus crush?

- Pwede din basta sakin lang sya xD

45. Painter?

- plus points. Sculptor mas bongga. XD

46. Religious?

- YEP. Mas type ko din kung same ang religion :P

47. Alaskador?

- Waaaa. TYPE!!! Mag-aasaran kami hanggang magka-inlaban..lol

48. Computer games geek? Or internet freak?

- AYAW BOTH. :P

49. Speaks 20 languages?

- Plus points. Pero kung oo, kailangan alam niya mag-korean..lol

50. Loyal or faithful?

- PWEDE BOTH?

Last note:(tulad ng pinagkuhanan ko. XD)

This is just my ideal man. Potential boyfriend. In real life, this facts doesn't matter. As long as mahal ka niya, at mahal mo siya. This facts doesn't stand a chance. Kahit total opposite pa nga nito eh. Ang love niyo lang sa isa't isa ang maghahari sa lahat-lahat ng sagot sa tanong nito.. lol

May sense ba yung sinabi ko?lol

Tuesday, April 26, 2011

Ms. Dilaw

This is supposed to be a song pero wala pa rin akong nagagawang tono. HAHA.. I just want to share this. Eto sana 'yung kantang ico-compose ni Tehran Kiev Scoof para kay Ms. Dilaw a.k.a. Olivienne E. Rabaja sa bago kong novel. Wapak lang.

Ms. Dilaw

Muli na naman kitang nakita
Dilaw ang suot at nakangiti pa
Ngunit ng akoý iyong makita
Matamis mong ngiti'y naglaho na

CHORUS:
Bakit ba? Anong kasalanan ko?
Bakit ba? Anong problema mo?
Ano bang nagawa para magalit ka
Kung anuman 'yun hindi ko sinasadya

Bumalik ako para lang sa'yo
Upang tuparin ang pangako ko
Ngunit bakit parang ayaw mo na?
Bakit ika'y lumalayo na

(Chorus)

Sana nasabi ko na noon pa
Kung ano sayo'y nadarama
Mahal kita, alam mo ba?
Mahal kita, ganun ka rin ba?

Mahal kita... Mahal na Mahal
Ikaw lang talaga, simula noon pa
Mahal kita... Mahal na Mahal
Nasasaktan ako pagnakasimangot ka.

Ms. Dilaw...

So ayon. HAHA. Hampangit diba? SHARE lang naman. Oops. Bago ko makalimutan. Eto nga pala ang picture ni Tehran Kiev Scoof ng kaibigan kong si  Olivienne E. Rabaja. Yep. Hindi siya ka gwapuhan. I know ryt!LOL


Teaser:


"I did this because of you. Dahil ganito ang gusto mo."

"No, I don't want this. I only want you."

TeChiDe Band is known not only in the Philippines but also around the world. Sa katunayan, after four years of touring, endless shows, TV guestings, concerts and chismis ay bumalik na sila sa kanilang hometown, ang Pilipinas. Halos lahat ng tao ay tuwang-tuwa sa pagdating nila. Mula bata, matanda, bading, tomboy except one....

 Olivienne E. Rabajais the name. Dahil alam niyang muling masisira ang buhay niya sa padating ng apat na mokong sa buhay niya... Lalong-lalo na si Tehran, and she won't let them!

Monday, April 25, 2011




Sabi nila, masarap mabuhay. Sabi ko naman kailangan kong i-update ang blog ko kaya mauna na akong umuwi na ako... :D

Sige tawa pa. Kung natatawa ka. Kung hindi, eh di okay.

Ang totoo, hindi ko alam ang isusulat ko. Wala naman kasing special na nangyari sa akin ngayong araw na ito. Sabi ko, pagninilay-nilayan ko ang sinabi sa akin ni KHYM PAREJA. Ang kaso, ang pangit ng sinabi niya. Tinira na naman niya ang love life ko. :(

Ito nga pala ang sinabi niya. "Kinikilig ako pag-imihi... 'Dun lang ako kinikilig.. Kasi wala akong love life." Kaloka! HAHA... Pero okay lang totoo naman. Hmm... Pero totoorin na ayoko munang mapag-usapan ang love life. *peace!*
Sige, yung "Crazy Little Thing Called Love" na lang ang ita-topic ko. Ang astig kasi ng Thai movie na ito. It's about Nam and his seni
or Shone. They're in love pero tadhana ang pumipigil sa kanila para mapakita ang tunay nilang nararamdaman. Still, naghintay sila. Minahal nila ang isa't-isa hanggang huli. Manatakin mo 'yun?! Nine years! Naging successful na sila sa field na gusto nila pero sikreto pa rin nilang minamahal ang isa't-isa.

Iba talaga ang lalaking kung nakayanan niyang mag-intay ng pagkatagal-tagal. A love not wasted but kept strong. Sana ganyan ang love story ko.. Wahaha.. Hindi ko maiwasang mangarap. Hindi ko maiwasang mainggit kay Snow White(Nam). Nakakatuwa ang mg
a gestures niya. Ang pagiging torpe niya(though hindi ko pa rin tinotolerate ang katorpehan. Ang cute lang pagsiya yung gumagawa eh). Ang pagbibigay daan niya sa kaibigan niya, at higit sa lahat, ang pagtatago ng natunaw na chocolate na binigay ni Nam sa kanya.

Let's not forget Nam's effort. Ang ganda nga naman kasi ng transformation niya. From a bug like look to a supermodel in New York look. She did everything just for Shone. For his prince. For his footballer. For his photagrapher. For his one and only love ever since she met him. Sana nga lang mas maaga nilang nasabi sa isa't-isa.

Pero what's the point? They still love each other kahit anong mangyari... Kahit ano pa man, sila pa rin hanggang huli.

Sunday, April 24, 2011

Problemang Bato

Nakow! Paano ba ito? Please pray for my Uncle. I really don't know what happened pero ang alam ko, hindi na nagpa-function ang bato niya. He need almost 10k for everything including yung dugo at kung anu-ano pa.

One more thing, nakakainis ang Ospital na pinagpadalhan sa kanya. Parang walang kwenta ang mga personnel. No offense ha? Kasi naman. Example na lang ang mga nurse(again, no offense!). Trabaho nila, pinapasa nila sa mga taong nagbabantay sa pasyente. Buti sana kung inaalagaan nila yung uncle ko habang inuutusan nila ang nagbabantay dito. Eh wala man lang magasikaso sa Uncle ko. Nung dumalaw yung tita kong nurse kahapon, siya pa ang nagpalit ng bed sheet and everything.

Isa pa, yung guardya! Grabe! Nagnanakawan na daw kagabi, dinaanan na ng magnanakaw, wala man lang ginawa para pigilan! Kung tinatamad siyang maghabol, eh di sana pinatid niya na lang! At least diba, kahit papaano napigilin niya at natulungan niya kung sinoman ang naglakas-loob humabol sa magnanakaw na yun. Geez! Kung may pera lang kami, hindi na sa ospital na 'yun maco-confine ang tito ko! Nakakainis talaga!

Wait, there's more! Alam kung public/government hospital siya. Open sa lahat. Pero ganun ba talaga yun? Lahat kargo ng mga pasyente? Simpleng bulak at alcohol? Bedsheet? or kahit malinis na tubig sila ang nagbabayad? Akala ko ba pam-"public" ang lugar na iyon?! Hindi ba dapat kahit papaano ay kargo na rin nila ang mga simpleng bagay na iyon? Kaya nga government ang may hawak? Dapat ang mga facilities at yung iba pang kailangan ay sa kanila din?

Ilan lang yan sa mga tanong ko... Hindi ko kasi gets eh. Naguguluhan lang ako. Pakiramdam ko kasi, yun talaga dapat ang mga pinoprovide nila ang mga dapat nilang gawin. Mali ba ako? Oh well, hindi ko din alam. Pero kung ako ang masusunod, dapat ganun nga. This is made for the public. To those people who needs cure but doesn't have any money on hand. Who needs assistance for their health. Mga taong hindi na nabibigyan ng budget ang kalusugan nila.

So tell me, is it too much for me to ask the government o kahit sinong maganda ang loob na iprovide ang maliit na bagay na sinabi ko kanina lang?

~ Karirinig ko lang, nilagyan na daw ng tubo ang uncle ko. Please pray for him :'( ~

New Me, New Blog(CHAROT!)

Ignore and delete previous post. Enter

wew! I'm done!!!

So this is it. Ito na ang bagong ako. Mostly pala ng blog ko noon ay tungkol kay Gitaraboi. And I have to say, ganun ko pala talaga siya kamahal. I even wrote songs and poems just for him. Ang lala ko pala talaga. HAHA.. Aning nga talaga ako sa kanya according na rin sa mga pinagsasabi ng mga best friend.

Pero iba na ngayon. Hindi na siya ang labidabs ko. Iba na ang tao pero ganun pa rin ang sitwasyon. Mas malala nga lang ngayon. Bestfriend ko kasi ang mahal niya. Tungaw ako ayt? HAHA. Pero no choice. Siguro sadyang puro ganun lang talaga sa ngayon. Siguro, next time o malay ba natin kung bukas na, ako naman ang gusto niya. PAKAPALAN NA ITO!


THINK POSITIVE!!!! AJA! AJA!!!

Wednesday, April 6, 2011

My Problem This Summer

Back to patintero, bang-sak, and football again!!!! Wew!!! I miss this so much! Gosh...
Anyway, I've been typing my third story that doesn't have any title yet. hahaha... Can't think of any actually. I'm having a hard time choosing a title. I wanted it to be a love song or any song that has to do with the plot. They told me I should rename it with their theme song which is "Walang Iba by Ezra Band". I don't think it will suit it though. Kaloka! I think it's better f I put "Only You" as a title or something more about being stick to you? Hmm... Blimey! Really can't think of any. I been surfing the net looking for a well written love song for my novel!!!! I can't find any.
That's not the only problem...
I've been somewhat suffering. Deep word. I know. I just can't stop myself from falling deeply in love with my Doctor. Sorry if I took the liberty to own him. I just don't know what to do. We still have what? two or three years more to be with each other. I promise to tell him after graduation but my heart. It seems like my heart wanted to shout it in the world. To stop pretending! To stop telling everyone that I don't like him anymore though she knows its the right thing to do!!! To tell him directly that I love him! I love him more than anyone in the world! That I love everything about him! Kahit yosiboy siya o sandamakmak ang kayabangan niya sa katawan!!! I want to tell him that I love him no matter what!!!




But would I have the courage? Dahil kahit pa sumasabog na ang puso ko dahil sa pag-ibig ko sa kanya? Bakit ba ang hirap ng ganito?! Mahal ko siya yet hindi niya ako mahal.

Should I still wait for him?
To notice me whenever I'm around?
To be with me whenever I need him?
To smile at me whenever I feel like my whole world's falling apart?
To hug me whenever I need someone to stretch his arms for me?
Would he be there?

Would he............love me?