CONVO NAMIN NG ISANG KAIBIGAN:
SIYA: Si *insert name here*. alam na niya diba? Nakakahalata na kasi siya, dahil na rin kay *mayweather at *pacquiao.
AKO: *speechless*
As in. Literal na speechless. Ang hirap pa lang malaman na nalaman na ng crush mo na gusto mo siya. SHET! Isang malaking SHET! Hindi ko na tuloy alam kung paano siya papakitunguhan. Ang hirap naman kasing maging normal kapag alam mong alam na niya yung sekreto mo at magpanggap na lang na wala kang alam na alam na niya ang hindi niya dapat na malamang sekreto mo. GETS?
Basta. Pero hindi ko alam kung bakit. Diba dapat happy ako? Dapat okay na ako na nalaman na niya yung dapat niyang malaman. Pero this isn't my plan. Ang alam ko nga after two years ko pa sasabihin. Exactly pagkatapos ng graduation. Nakalagay sa likod ng isang papemelrotti(tama ba ang spelling?) na scroll thingy ang message ko, tapos sabay takbo at hindi na ako magpapakita sa kanya except sa reunion. ang ganda ng plano ko diba?
Don't look at me like that. Sige, aaminin ko na ang duwag ng plano ko, but that's the way I want him to know how I feel. Pero bigo na ang planong iyon. Alam na niya. Sayang lang ang walang kwentang plano.
Ang reaksyon niya? Malay ko. Hindi ko din alam. Ang lungkot pala na hindi ikaw mismo ang nagsabi. Na hindi mo nagawa ang pag-amin in your own simple way. Nakakainis isipin na ganun ang nangyari.
Hmmm. Positive side, sabi nila, ako na daw iyon. Kaysa nga naman malaman ko pa ang reaksyon niya at hindi kaaya-aya sa pandinig. I'll pretend na lang daw na hindi ko alam na alam niya na ang secret ko.
Pero..... Tama ba yun?
No comments:
Post a Comment