Friday, January 15, 2016

Sa Dapat Kong Kasamang Manood ng Mocking Jay Part II

Kamusta ka na? Okay ka lang ba? Sana masaya ka na. Naalala kasi kita, showing na yung part two ng Mocking Jay. Naalala mo ba yung sinabi nating dalawa noong nanood tayo ng part one last year? Nung mga panahong sobrang close pa natin at hindi pa tayo galit sa isa't isa? Siguro hindi na.

"Panoorin natin yung part two next year!!!"

Hindi ko maalala kung sinong nagsabi o kung sabay ba tayong nagsalita noon since we can finish each other's sentences. Pero we both agree on this. Noon sabi mo, kahit tayong dalawa lang ang manood, okay lang. Kahiy fi na sila sumama. Wag kang mag-alala, ganun din naman ako eh. Until now. Kaso wala na eh. Sabi mo nga, friendship over.

Hindi ko pa rin talaga maintindihan kung bakit nagalit ka sa akin nun. Nakakatawa na simpleng pagpunta sa MOA ang reason kung bakit tayo nag-away. Sa bagay. Mukhang hindi lang naman yun ang pinaghuhugutan ng galit mo eh.

Pero kung galit ka, mas galit ako. Galit ako sa mga ibinibintang mo sa akin. Galit ako na kahit na halos lahat ng taong naging kaibigan natin at iniwan ka o hindi ka inintindi noong panahong nasa mababa ka, nagagawa mong kausapin na walang galit ngayon. Na walang sama ng loob. Hindi sa ayokong kausapin mo sila. Pero pakiramdam ko kasi sobrang unfair mo lang sa akin. Sa akin na andoon para sayo no matter what. Andyan ako sa mga panahong hindi ka na nila gustong kasama noong mga panahong nagmamaldita ka, ako lang ang nakatagal sayo. Sa mga paulit-ulit na panahong nasaktan ka niya, pinilit kong makinig sa mga hinaing mo. Nakikinig ako at inuunawa ko ang mga kwento mo tungkol sa kanya kahit noong panahon na yun, parang nagbubuhat ako ng sampung kilong bloke ng yelo sa sobrang bigat ng nararamdaman ko.

Higit sa lahat, andoon pa rin ako. Matapos mo akong biruin ng isang biro na hindi ko alam kung paano ko natanggap ng buong puso. Naalala mo? I hope you do. Dahil hindi ko pa rin maisip hanggang sa ngayon kung paano mo ako nabiro ng ganun. Paano mo nasabi sa akin ang mga yun bilang isang biro. Alam mo namang mahal kita noon. Tumanggi ako kasi alam ko namang malungkot ka lang eh. Na mas masasaktan ako kung um-oo ako. Mas pinili ko lang namang wag masaktan sa pwedeng mangyari. Naisip mo ba yun? Pero kahit masakit na biniro mo lang ako noon, hindi naman ako nagbago ah. Pumapalya oo. Pero hindi nagbago.

Pero binaliwala mong lahat yun. Binaliwala mong lahat kahit isang beses lang akong nagkamali. Hindi mo alam kung gaano kasakit kaya galit na galit na galit ako sayo. And I hope di na magbago yun... Para hindi mo na ako masaktang muli.

Kaya ngayong magkakasama ulit tayo bilang barkada, tandaan mo. Hinding-hindi ko hahayaang bumalik tayo sa dati hanggang di mo sinasabing patawad. Hangga't di mo ko kinakausap ng maayos. Habang pinipilit mong ibalik ang dati, pipilitin kong bumuo ng pader na matitibag lamang ng sorry mo. Hindi ako papalya. Aalalahanin ko lahat ng sakit. Aalalahanin ko lahat ng paghihirap ko sa mga panahong hindi ko maintindihan ang mga nangyayari. Siguro naman, I deserve an explanation. I deserve an acceptable reason sa ginawa mo sa akin.

Pinapangako ko sa sarili ko na hindi ko hahayaan tunawin ng mga hilig natin ang sakit na naramdaman ko. Hindi ko hahayaang pawiin ng pagkakaparehas natin ang lahat ng luhang naiiyak ko habang minamahal kita at sinasaktan mo lang ako. Pinapangako ko na hindi tayo magiging maayos kahit bilhin mo pa lahat ng mga gusto ko pagkat sa panahong ito, hindi ko kailangan ng kung anu-ano. Hindi ko kailangan ng pagmamahal mo. Ang kailangan ko ay ang sorry mo. Ang explanation mo. Ang mga reason mo kung bakit sa lahat ng tao, ako pa ang sinaktan mo ng ganito.

Sa Mga Ganitong Panahon..

May bad vibes sa opisina. May minamadali kaming payroll. May gusto akong patayin sa imagination ko. Pwede akong mapromote. Madadagdagan daw ang sweldo. May nakakaiyak na nangyari sa akin kanina. Tara, punta tayong singapore.

Sa mga ganitong panahon kita nami-miss. Sa mga ganitong bagay ko nami-miss yung mga panahong nagkakape tayo tuwing biyernes. Nakakamiss yung mga panahong kwento lang ng kwento kahit walang kwenta. Reminisce pa ng reminisce. Yung mga gabing hating gabi na ako umuuwi dahil sa mga bagay na yan.

Sa ganitong panahon kita nami-miss. Nami-miss kong maibuga ang lahat ng ito sayo. Yung sobrang stress ko ata malalaspag ang stressball na kasing laki ng basketball. Nami-miss ko yung kaya mong tanggalin ang sama ng loob ko dahil nakikinig ka. Pinapakinggan mo ang bawat daing. Ang bawat hinanakit. Ang bawat kwentong nakakastress lang naman. Pinapakinggan mo ang lahat kahit halos paulit-ulit lang. Nami-miss kong may nakikinig sa akin at hindi babaliwalain ang mga sinasabi ko.

Ganitong panahon kita nami-miss. Ang mga panahong nagpaplano ako kung paano ko pahihirapan ang mga taong nang-aapi sa akin. Yung gagatulan mo pa ang mga sinasabi ko. Yung mas papalalain mo pa na imbis kutsilyo lang ang itatarak ko ng paulit-ulit magiging tinidor na lang para killing me softly ang peg. Tapos itatawa na lang natin. Kasi yung planong binuo natin, nagiging imposible na kasi bigla na tayong nagkakaroon ng super powers. At sa muling pagtawa ko, parang ang dali na lang tawanan ng lahat ng problema kakaharapin ko sa susunod na linggo.

Ganito kita nami-miss. Yung walang humpay na librehan. Yung gastos pa more pero di nagbibilangan. Yung kapag may pera, ubos ubos biyaya. Akala mo kukunin na yung pera bukas kaya uubusin na lang ngayon kaysa ibigay sa iba. Pero kapag walang pera, nagpapaluwal. Manlilibre yung isa pero sa susunod na pagkakataon, wala kang maririnig na kung anu-ano mula sa kanya. Kaya naman kapag parehas wala, makapagkape lang, masaya na. Kahit abutin pa ng apat na oras yung kapr na tila ba pinapalamig pero frappe naman.

Nami-miss kita. Namimiss ko ang lahat ng mga shotgun ideas natin na walang pinapatunguhan. In short puro imagination. Puro plano, pero walang matuluy-tuloy. Alam mo ang pinakanami-miss ko, yung ideya na pwedeng tayong dalawa lang ang umalis at magpaka-burgis! Kasi parang ayaw nila eh. Pero tayo gusto natin. Wala lang budget.

Hayst. Ayokong umamin pero nami-miss kita. Namimiss ko ang kulet, ang saya. Ako kaya? Namimiss mo?

Wednesday, October 28, 2015

YOU and all the drama (October 24, 2015)

I was dreading that moment. Dami kong naiisip na scenario. Dami kong naiisip na pwedeng mangyari kung nagkataon na magkita kami. I've always thought that this is inivitable. Darating talaga ang panahon na magkikita kami no matter what. We have the same circle of friends at dahil doon, di ko siya pwedeng iwasan all the time. Ang tanong lang ay, kung handa na ba ako.

Alam ko sa panahong yun, hindi pa ako handa.

Pero ang mga nakatakdang mangyari ay mangyayari. The inivitable happened. My super bestfriend Eome, also known as my sister from another parents, is celebrating his birthday. I have to go or else mahaba-habang tampuhan session na naman ito and I don't want to lose another friend because of him. Pero a week ago, I was planning to back out. Sabi ko baka mamaya yung usual four na naman(Me, Eome, Him, at Chi) ang magkakasama nito. Pero since madami namang nagreact sa chat kung saan diniscuss ni Eome ang birthday niya, I assumed na madami pupunta sa event na yun. Sabi ko siguro naman di ko na makakausap yun since madami naman kami.

Ready na akong maglaro ng iwasan game. Iiwasan ko siya hanggang matapos yung araw na yun, kasi takot ako eh. Takot akong mabasag yung walls na ginawa ko para protektahan ang puso ko laban sa kanya. Kasi until that day, madami pa akong tanong sa kanya at sa mga nararamdaman ko towards him. Madami din akong naiisip na scenario na hindi maganda kaya ayoko pa siyang makita dahil alam ko nga, di pa ako handa.

So ayon nga. It turned out that kami nga lang talagang apat! Argh! Gusto ko na talagang magwalk out nun. Tahimik lang ako pero ang totoo, nagpapanic na ang esophagus at atay, in short, lamang loob ko. Pero dahil wala akong choice, tinuloy ko na rin. Apat na nga lang kami, mawawala pa yung isa? Kawawa naman yun may birthday. Aapat na nga lang kami magwowalk out pa ako.

So tumahimik na lang ako sa gilid nung kwarto sa khub. Nagmuni-muni. Inaassess ko kasi yung sarili ko kung kaya ko na. Kung kapag nag-aya ulit, okay na. Hindi na nila ako iisipin o yung nararamdaman ko. Tinitigan ko siya habang bimibirit. Tinatanong ko yung sarili ko kung, kaya ko na ba? Can I leave like this forever? Kaya ko Ba ang ganiting scenario sa buhay ko every now and then?

Narealize ko na hindi. Na hindi ko pa kaya. Na lahat ng nangyari sa buhay namin, hindi pwedeng ibalewala na lang dahil masyado na akong nasaktan. Masyado na akong mabait. Masyado na akong mukhang tanga. Masyado na kung lalagpas pa tong nangyaring ito at isasawalang bahala na lang. Ano? Lagi ba lang siya ang bida? Paano ako? Paabo ang mga doubts ko sa sarili konungpanahong kinuwestyon niya ang pagiging kaibigan ko? No. Ayoko.

Pero ang masaklap, alam mo ba kung ano pa yung narealize ko? Narealize ko na namimiss ko na pala yung taong to. That having him here with us, felt more like home than anything else(less ofcourse yung kadaldalan kong walang kapantay dahil nga less talk ang lola niyo). It felt like in a sense, being whole. That everything came back to life once more. Yung nakaramdam ng paggalaw ang mga carousel sa utak ko. Para bang biglang binuksan ang isang theme park na matagal ng sarado. Suddenly I felt joy. That right then and there, kapag nagkausap kami, nagkapatawaran, at nagkaintindihan, magiging maayos na ang lahat.

Habang nag-oobserve pa ako at bahagyang napapatawa sa mga kakulitan nila, I realize may butas pala ang puso ko. At kahit masakit, narealize ko, kaya pala ako nasasaktan kasi nawalan na naman ako ng best friend for the third time. Na of all the things na iniyak ko nung mga panahong nag-away kami at di na muling nagkabati, yun yung pinakamasakit na reason kung bakit ako umiiyak. I've lost a friend. A bestfriend.

And no, hindi ko inaaming mali ako o ano. Kasi para sa akin wala naman akong ginawang mali sa kanya. In fact, para sa akin, siya ang may kasalanan kung bakit wala ng friendship between us. At kasabay nga noon, naramdaman ko ulit yung sakit. Yung pakiramdam ko noong inalis niya ako bilang isa sa mga kaibigan niya. Yung panahon na pinagdukdukan niya sa mukha ko na wala akong kwentang kaibigan. Na hindi importante sa akin kung ano ang meron kami kahit yun na lang nga ang meron ako (and yes, I have to admit that at that time, it was the only thing that matter. Na kahit wala ang iba, basta andyan siya, I'm good). So I build up walls again.

Hangga't maari, wala na akong pinakialaman sa mga usapan nila. I talk to him once in a while kasi kailangan. Hindi din ako basta-basta nagbibitaw ng tanong para hindi kami mag-engage sa isang conversation. Madalas dinedirect ko yung mga tanong ko para sa grupo. Ina-address ko kay Eome or Chi yung mga sasabihin ko. I tried being civil with him. Ganun din naman siya. Hindi ko na siya tinitigan ulit simula noon. Ayoko na. Naramdaman ko ulit yung pagod. Yung pagod na ang hirap palang makipagsabayan sa flow ng utak ng taong to. Yung pagod at takot nagsama-sama silang lahat. Just a few hours na nakasama ko siya, even without talking, nakakapagod din pala.

In the end, na survive ko naman. Nakauwi naman ako ng humihinga at hindi umiiyak o nag-iiskandalo. But the saddest part, I feel like nakakahinayang kami kasi kahit di kami nag-uusap, we still share the same things. We still like the same things. We're like soul sisters(no pun intended). Alam mo yun? Na sa buong barkada, bukod sa daddy-daddy-han ko, siya lang yung makakapantay sa brain waves ng utak ko, yung halos parehas kami ng trip(again, no pun intended)? ALDUB? Tadhana? Those little things we like? And ofcourse, yung minahal ko sa kanya, yung listening skills niya? Nakakalungkot na mawawala na lang yun dahil sa simpleng desisyon kung pupunta ba sa MOA o hindi(my side of the story at ayoko ng ikuwento, mahabang storya).

So it left me wondering, noong nakita niya ba ako? Does it feel the same way? Does it felt good having me at that moment? Does he felt like this scenario is home? Gusto niya din ba akong maging kaibigan ulit? Parehas ba kami? O ako lang talaga? Tulad ng lahat ng nangyari noon na ako lang pala talaga ang may gusto.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Tara, ituloy na natin ang pagtatayo ng pader.

Monday, September 14, 2015

HAPPY? BIRTHDAY TO ME!

I'm scared. Natatakot ako na baka I'm suffering from depression.

Sana hindi. Sana hindi talaga. :(

Sunday, March 22, 2015

#MissMissingYou

Sobra na kitang namimiss.

I miss those moments where I can touch your face kasi nanggigigil ako sayo. Natutuwa ako kapag hinahayaan mo lang ako. The feeling of your skin touching mine is one of the happiest moments in my life.

I miss your hugs and your kiss(sa pisngi) at the end of the days when we use to hangout kasi kahit anong dami ng problemang ikukwento ko sayo, those hugs gives me hope that the days after those moments would be alright. Na wala ng problema. Na all is well.

I miss the way you hold me. Yung mga panahong naka-angkla ako sayo(with or without my killer heels) kasi pakiramdam ko akin ka. That no one can tear us apart. Pakiramdam ko din special ako sayo kwsi hinahayaan ko akong dumikit-dikit lang sayo knowing that you hate it kapag feeling close ang mga tao sayo.

I miss those times na humihiga ka sa lap ko at nagpapakamot ng ulo na parang pusa. Sa panahong yun, I feel so lucky kasi the man I've ever wanted is just there. Within my reach. Sleeping in front of me.

I miss those moments when I can put my head on your shoulder habang nakayakap sa mga braso mo habang nagkukwentuhan tayo ng mga walang kwentang bagay.

I miss our coffee bonding because drinking starbucks nowadays would never be the same without you. Wala kasi akong mashare-an ng mga hinanakit at accomplishments ko sa buhay. Kasi sa piling mo lang ako naging malaya. Kasi ikaw lang yung nagparamdam sa akin na kahit anong tantrums ko, kahit anong landi at arte ko, okay lang. I can be myself whenever I'm around you.

Higit sa lahat, I miss you. when you smile. When you tell yours stories. Kapag nagyayabang ka. Kapag galit. Kapag sobramg saya. Kapag irritable. Lahat. Every inch of you. Even yung pangingiliti mo. Isama mo na yung pamanakot mo dahil alam mong takot ako sa multo. Yung pagiging caring mo. Yung wala kang pakialam sa mundo. Kapag nagdodrawing ka. Kapag naglalaro ka nung may music chuchu.

Haha! IMISSYOUBADLY. Ayaw walamg space para
makita mo ang urgency at capital letters pa para intense.

Haist. Paano kaya kapag nagkita ulit tayo after everything that happened? Ano kayang mararamdama mo? Ako kasi feeling ko, iiyak din ako na parang ginagawa ko ngayon. Kasi baka di ko din matago kung gaano kita namiss. :'(