Friday, January 15, 2016

Sa Mga Ganitong Panahon..

May bad vibes sa opisina. May minamadali kaming payroll. May gusto akong patayin sa imagination ko. Pwede akong mapromote. Madadagdagan daw ang sweldo. May nakakaiyak na nangyari sa akin kanina. Tara, punta tayong singapore.

Sa mga ganitong panahon kita nami-miss. Sa mga ganitong bagay ko nami-miss yung mga panahong nagkakape tayo tuwing biyernes. Nakakamiss yung mga panahong kwento lang ng kwento kahit walang kwenta. Reminisce pa ng reminisce. Yung mga gabing hating gabi na ako umuuwi dahil sa mga bagay na yan.

Sa ganitong panahon kita nami-miss. Nami-miss kong maibuga ang lahat ng ito sayo. Yung sobrang stress ko ata malalaspag ang stressball na kasing laki ng basketball. Nami-miss ko yung kaya mong tanggalin ang sama ng loob ko dahil nakikinig ka. Pinapakinggan mo ang bawat daing. Ang bawat hinanakit. Ang bawat kwentong nakakastress lang naman. Pinapakinggan mo ang lahat kahit halos paulit-ulit lang. Nami-miss kong may nakikinig sa akin at hindi babaliwalain ang mga sinasabi ko.

Ganitong panahon kita nami-miss. Ang mga panahong nagpaplano ako kung paano ko pahihirapan ang mga taong nang-aapi sa akin. Yung gagatulan mo pa ang mga sinasabi ko. Yung mas papalalain mo pa na imbis kutsilyo lang ang itatarak ko ng paulit-ulit magiging tinidor na lang para killing me softly ang peg. Tapos itatawa na lang natin. Kasi yung planong binuo natin, nagiging imposible na kasi bigla na tayong nagkakaroon ng super powers. At sa muling pagtawa ko, parang ang dali na lang tawanan ng lahat ng problema kakaharapin ko sa susunod na linggo.

Ganito kita nami-miss. Yung walang humpay na librehan. Yung gastos pa more pero di nagbibilangan. Yung kapag may pera, ubos ubos biyaya. Akala mo kukunin na yung pera bukas kaya uubusin na lang ngayon kaysa ibigay sa iba. Pero kapag walang pera, nagpapaluwal. Manlilibre yung isa pero sa susunod na pagkakataon, wala kang maririnig na kung anu-ano mula sa kanya. Kaya naman kapag parehas wala, makapagkape lang, masaya na. Kahit abutin pa ng apat na oras yung kapr na tila ba pinapalamig pero frappe naman.

Nami-miss kita. Namimiss ko ang lahat ng mga shotgun ideas natin na walang pinapatunguhan. In short puro imagination. Puro plano, pero walang matuluy-tuloy. Alam mo ang pinakanami-miss ko, yung ideya na pwedeng tayong dalawa lang ang umalis at magpaka-burgis! Kasi parang ayaw nila eh. Pero tayo gusto natin. Wala lang budget.

Hayst. Ayokong umamin pero nami-miss kita. Namimiss ko ang kulet, ang saya. Ako kaya? Namimiss mo?

No comments:

Post a Comment