Wednesday, October 28, 2015

YOU and all the drama (October 24, 2015)

I was dreading that moment. Dami kong naiisip na scenario. Dami kong naiisip na pwedeng mangyari kung nagkataon na magkita kami. I've always thought that this is inivitable. Darating talaga ang panahon na magkikita kami no matter what. We have the same circle of friends at dahil doon, di ko siya pwedeng iwasan all the time. Ang tanong lang ay, kung handa na ba ako.

Alam ko sa panahong yun, hindi pa ako handa.

Pero ang mga nakatakdang mangyari ay mangyayari. The inivitable happened. My super bestfriend Eome, also known as my sister from another parents, is celebrating his birthday. I have to go or else mahaba-habang tampuhan session na naman ito and I don't want to lose another friend because of him. Pero a week ago, I was planning to back out. Sabi ko baka mamaya yung usual four na naman(Me, Eome, Him, at Chi) ang magkakasama nito. Pero since madami namang nagreact sa chat kung saan diniscuss ni Eome ang birthday niya, I assumed na madami pupunta sa event na yun. Sabi ko siguro naman di ko na makakausap yun since madami naman kami.

Ready na akong maglaro ng iwasan game. Iiwasan ko siya hanggang matapos yung araw na yun, kasi takot ako eh. Takot akong mabasag yung walls na ginawa ko para protektahan ang puso ko laban sa kanya. Kasi until that day, madami pa akong tanong sa kanya at sa mga nararamdaman ko towards him. Madami din akong naiisip na scenario na hindi maganda kaya ayoko pa siyang makita dahil alam ko nga, di pa ako handa.

So ayon nga. It turned out that kami nga lang talagang apat! Argh! Gusto ko na talagang magwalk out nun. Tahimik lang ako pero ang totoo, nagpapanic na ang esophagus at atay, in short, lamang loob ko. Pero dahil wala akong choice, tinuloy ko na rin. Apat na nga lang kami, mawawala pa yung isa? Kawawa naman yun may birthday. Aapat na nga lang kami magwowalk out pa ako.

So tumahimik na lang ako sa gilid nung kwarto sa khub. Nagmuni-muni. Inaassess ko kasi yung sarili ko kung kaya ko na. Kung kapag nag-aya ulit, okay na. Hindi na nila ako iisipin o yung nararamdaman ko. Tinitigan ko siya habang bimibirit. Tinatanong ko yung sarili ko kung, kaya ko na ba? Can I leave like this forever? Kaya ko Ba ang ganiting scenario sa buhay ko every now and then?

Narealize ko na hindi. Na hindi ko pa kaya. Na lahat ng nangyari sa buhay namin, hindi pwedeng ibalewala na lang dahil masyado na akong nasaktan. Masyado na akong mabait. Masyado na akong mukhang tanga. Masyado na kung lalagpas pa tong nangyaring ito at isasawalang bahala na lang. Ano? Lagi ba lang siya ang bida? Paano ako? Paabo ang mga doubts ko sa sarili konungpanahong kinuwestyon niya ang pagiging kaibigan ko? No. Ayoko.

Pero ang masaklap, alam mo ba kung ano pa yung narealize ko? Narealize ko na namimiss ko na pala yung taong to. That having him here with us, felt more like home than anything else(less ofcourse yung kadaldalan kong walang kapantay dahil nga less talk ang lola niyo). It felt like in a sense, being whole. That everything came back to life once more. Yung nakaramdam ng paggalaw ang mga carousel sa utak ko. Para bang biglang binuksan ang isang theme park na matagal ng sarado. Suddenly I felt joy. That right then and there, kapag nagkausap kami, nagkapatawaran, at nagkaintindihan, magiging maayos na ang lahat.

Habang nag-oobserve pa ako at bahagyang napapatawa sa mga kakulitan nila, I realize may butas pala ang puso ko. At kahit masakit, narealize ko, kaya pala ako nasasaktan kasi nawalan na naman ako ng best friend for the third time. Na of all the things na iniyak ko nung mga panahong nag-away kami at di na muling nagkabati, yun yung pinakamasakit na reason kung bakit ako umiiyak. I've lost a friend. A bestfriend.

And no, hindi ko inaaming mali ako o ano. Kasi para sa akin wala naman akong ginawang mali sa kanya. In fact, para sa akin, siya ang may kasalanan kung bakit wala ng friendship between us. At kasabay nga noon, naramdaman ko ulit yung sakit. Yung pakiramdam ko noong inalis niya ako bilang isa sa mga kaibigan niya. Yung panahon na pinagdukdukan niya sa mukha ko na wala akong kwentang kaibigan. Na hindi importante sa akin kung ano ang meron kami kahit yun na lang nga ang meron ako (and yes, I have to admit that at that time, it was the only thing that matter. Na kahit wala ang iba, basta andyan siya, I'm good). So I build up walls again.

Hangga't maari, wala na akong pinakialaman sa mga usapan nila. I talk to him once in a while kasi kailangan. Hindi din ako basta-basta nagbibitaw ng tanong para hindi kami mag-engage sa isang conversation. Madalas dinedirect ko yung mga tanong ko para sa grupo. Ina-address ko kay Eome or Chi yung mga sasabihin ko. I tried being civil with him. Ganun din naman siya. Hindi ko na siya tinitigan ulit simula noon. Ayoko na. Naramdaman ko ulit yung pagod. Yung pagod na ang hirap palang makipagsabayan sa flow ng utak ng taong to. Yung pagod at takot nagsama-sama silang lahat. Just a few hours na nakasama ko siya, even without talking, nakakapagod din pala.

In the end, na survive ko naman. Nakauwi naman ako ng humihinga at hindi umiiyak o nag-iiskandalo. But the saddest part, I feel like nakakahinayang kami kasi kahit di kami nag-uusap, we still share the same things. We still like the same things. We're like soul sisters(no pun intended). Alam mo yun? Na sa buong barkada, bukod sa daddy-daddy-han ko, siya lang yung makakapantay sa brain waves ng utak ko, yung halos parehas kami ng trip(again, no pun intended)? ALDUB? Tadhana? Those little things we like? And ofcourse, yung minahal ko sa kanya, yung listening skills niya? Nakakalungkot na mawawala na lang yun dahil sa simpleng desisyon kung pupunta ba sa MOA o hindi(my side of the story at ayoko ng ikuwento, mahabang storya).

So it left me wondering, noong nakita niya ba ako? Does it feel the same way? Does it felt good having me at that moment? Does he felt like this scenario is home? Gusto niya din ba akong maging kaibigan ulit? Parehas ba kami? O ako lang talaga? Tulad ng lahat ng nangyari noon na ako lang pala talaga ang may gusto.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Tara, ituloy na natin ang pagtatayo ng pader.

No comments:

Post a Comment