Tuesday, November 26, 2013

Cookie Butter McFlurry and Salted Caramel Sundae

     Hindi ko alam kung bakit pumunta pa ako. Kung bakit nag-agree pa kong makipagkita siya. The sacrifices I made just for you. Pero hindi naman yun ang problem. The problem is sinabi ko na sa sarili ko na tama na. Ayoko na. Lalayo na ako. Titigil na ako sa pakikisama sayo kasi mas malalaglag ako tuwing kasama kita pero ano? Anyare. Nganga. Wala.

     Hindi ka gwapong-gwapo. Hindi rin ikaw yung tipong lilingunin namin at pagbubulungan naming magbe-bestfriend. Hindi ikaw yung nakakakagat-labi kapag tinitigan mo. Pero nung araw na nagkita tayo, feeling ko kasama ko si Christian Grey. First time yatang nahiya akong tumabi sayo. I must say, you look good in black. Haha. Tama na. Super description na.

     Pero bakit nga ba ganun? Sobra na akong lagapak sayo. Kumbaga sa nahulog sa putik, pinagulong-gulong pa ako. Hindi ko alam kung bakit abang pa din ako ng abang sayo kahit alam kong wala na akong inaabangan. Kahit alam kong sa huli, wala din akong mapapala. Alam kong mahal mo siya. Sabi mo hindi na. That you're moving on pero bakit parang ayokong maniwala? Siguro nga mas alam mo ang "totoong pagmamahal" base sa experience. Pero itong nararamdaman ko, hindi mo man makunsiderang pagmamahal, alam kong iba siya. Iba siya kay Euro, kay Jovit at sa lahat ng crush ko.

     Pero sabi nga ni Bea sa The Mistress, hindi lahat ng gusto mo, makukuha mo. At alam kung ganito din ang mangyayari sa akin ngayon. Hindi naman lahat ng bagay sa buhay happy ending. Eh di sana walang talo at panalo. Lahat pantay-pantay. Sabi nga diba, life is unfair. Pero sana, ikaw na ang "fair" na hinahanap ko.

     I'm still waiting. Until when? Hindi ko alam. Siguro hangga't kaya ko. May mga pagkakataon din namang napapagod ako kaso mas nakaibabaw ka sa puso ko. Hindi ba ako nasasaktan? Nasasaktan ako dahil di ako manhid. Nasasaktan ako lalo na kapag may mga tao sa paligid ko na pwede mong piliin makasama sa buhay o sa simpleng pagkain sa Mcdo. Ayaw ko bang tumigil? Gusto ko man pero parang di pwede at di kaya. Isang text mo nga lang nabubuhay ang loob ko eh tapos titigil ako? Parang sinabi mo sa isang halaman na di na kita didiligan. Bakit ikaw? Cliche pero di ko alam. Ang alam ko lang, masaya at masarap kang kasama hanggang sa pagtapos nun, iba't iba na ang reason kung bakit eventually minahal nga kita. Sabi ng iba kasi masyado mo daw akong inispoiled ng attention at pag-aaruga which is my kryptonite kung di mo alam.

     Madami pang tanong. Isa lang naman ang tanong na di ko kayang sagutin ng harapan at yun ay kung mahal kita. Ayoko kasi katangahan part two na eh. Ayoko ng umamin sayo kasi nga ganun din naman. Wala naman akong pinglalaban diba? Wala ng dapat ipaglaban kasi ako lang naman ang lumalaban sa isang laban na alam kong una pa lang, talo na ako. Hindi ko na nga alam kung saang classification ng tanga ko ilalagay ang sarili ko. Iniisip ko, may papantay pa kaya sa katangahan ko? O may hihigit pa kaya? Malamang kung ira-rank ang mga tanga, mangunguna ako sa listahan. Top one ang drama.

     Hayy. Sa ganitong sitwasyon talaga, ang hirap bumitaw. Isipin mo(base sa aking perspective), isa ka sa mga taong gusto niyang makasama lagi. Isa ka sa tinetext niya, kinakausap niya sa mga problema. Halos lahat ng dark secret mo, alam niya pero never siyang nagbago sayo. Kahit kailan hindi siya pumalyang makasama ka kapag kailangan mo siya, kahit kalagitnaan ng gabi. Super siyang mag-alaga. Daig niya pa ang boyfriend sa sobrang protective niya. Lahat na ng kahinaan ko nasa kanya. Diba? How can you detach yourself sa isang taong almost perfect na? Natatawa ako kapag naiisip ko na. Sa sitwasyong to, almost perfect na. All set na ang lahat. Ang kulang na lang, yung mahalin mo ako. Yung maging akin ka. Kaso nganga eh. Hindi naman nangyayari. Halos two years na rin yun. Mahigit dalawang taong na akong abangers sayo. Sa buhay ko, never kong pinractice ang salitang patience pero akalain mo yun? Yung sayo, hindi lang isa kundi dalawa at hindi lang buwan kundi taon ang binilang ko habang pinapractice ko yun. Sabihin mo nga? Kailangan ko pa ba ng practice?

Pangarap kong mging writer. Bata pa lang ako ganun na. I write about my crush at mga crush ng kaibigan ko kung saan may happy endings kami sa kanila. Nakakagawa ako ng series. Minsan yung iba base talaga sa lahat bg nangyari o sa lahat ng naimagin kong mangyayari. Alam mo kung ano yung nakakatawa, may apat na ata akong pending at sayo lahat yun. May isa sa wattpad, dalawa sa mga filea ko at isang binubuo ko sa isip ko. Hindi ko siya matapos kasi wala akong kumpiyansa na makukuha ko yung happy ending na isusulat ko. Ang lakas ng loob ko sa iba, ewan ko ba sayo bakit ganito ako.

Inaamin ko naman na mabilis akong mainlove pero bakit parang ang malala yung tama ko sayo. Kumbaga sa cancer parang stage four. Pinilit ko namang bumangon kaso ikaw din eh. Ayaw mo ring lumayo. Gusto kitang sisihin. Gusto kong sabihin sayo na lumayo ka. Ayoko na kitang kasama. Ayoko na kitang kausap. Ayoko na kitang makita. Ayaw ko na. Ayoko na. Ang tanong lang eh, ayaw ko ba talaga? Kaya ko ba na hindi igrab yung oppurtunity na makasama siya.

Hindi ko alam kung anong meron sa sarili ko. Ano pa bang iniintay ko? Nasa lugar ako na kumbaga sa laro, end na. Pero naghihintay pa din ako ng rematch kahit alam kong wala rin naman patutunguhan ang rematch na yun. Alam kong sa huli, talo pa din ako. Ano bang meron? Bakit ako ganito? Hindi naman siya lang ang nag-iisang lalaki sa mundo at alam ko na meron pang mas hihigit sa kanya pero bakit ayaw kong tumigil?

Ano ba yan Maloi. Tigil-tigil din pag may time.

Saturday, March 9, 2013

Ms. Hiro and Mr. Honey

Bakit ka ba ganyan? Pwedeng tumigil ka? Tulungan mo naman akong pigilan angs arili kong mag-fall sayo. Kasi naman eh. Tigilan mo na please. Mahal kita. Kaibigan kita. And you love someone else. Paano naman ako? Aasa na naman ako sa wala. Alam ko naman eh. Hindi mo ko magugustuhan EVER pero bakit andito pa rin ako? Kasi, may isang parte pa rin ng pagakatao ko na nag-iintay sayo. Sana lang diba? Pero ewan ko ba. Alam ko naman ang kahihinatnan nito. As usual, one sided. Nganga for a life time. Abangers habang buhay.

Bakit kasi ang sweet-sweet mo? Hindi mo ba alam na kahinaan ko yun? Na yan ang nagpapalambot sa puso ko? Bakit kelangang ang lahat ng ginagawa mo ng normal, yun yung nasa ideal guy ko? Bakit ikaw pa? Nakakainis ka naman. Tapos minsan, sa mga imagination ko, pakiramdam ko, mahal mo din ako. That you're jealous of the guys I meet and drop my jaws at. Sana makinig ka na lang sa iba that we look good together. Haha. Echos. Pero kasi naman, magkasundo naman tayo diba? Bakit hindi ako? Don't get me wrong. Hindi ako desperado, nagtataka lang ako. Hayy...

Sabi mo sa akin, walang kulang. Na wala akong mali. Na walang mali sa akin bilang babae. Na yung ex-boyfriend kong walang balls ang may kasalanan ng lahat dahil hindi niya ako kayang intindihin. Na wala sa ganda yan. The hell naman. Alam mo bang everytime nakikita ko ang mukha mo at ang napakaganda mong mga titig, at ang nakakahawa mong smirk, naaalala ko lahat yan? Minsan kahit mukhang tanga, natatanong ko na lang, kung walang mali sa akin, bakit hindi ako?

May isa pa, nakakahiya mang aminin pero ewan ko ba?! Minsan nagbibigay ng kung anu-anong meaning ang imagination ko. Kung hindi ko lang alam na talagang wala baka iba na ang isipin ko. Gusto kong malaman ang lahat. Ano bang ibigsabihin mo sa bawat salitang binibitawan mo? Sa mga gestures mo. Minsan kasi, hindi na normal para sa isang lalaki na ganyan. I mean totoo naman yung sinabi nila. Daig mo pa talaga si Ex. Ikaw, parang isang tawag ko lang andyan ka na. You understan me so well na PARANG yung bawat twitch ng mata ko eh alam mo ang ibigsabihin. Ganun ba ako kabilis mabasa? Psh naman. Asar.

Lastly, pwede tigilan mo na talaga yung pagiging madikit mo sa akin? Hindi sa ayaw kitang kasama at bilang kaibigan masasabi kong ang cool mo. You're fun to be with and that's exactly one of the things I liek about you pero tignan mo naman ang state ko. I'm on the verge of falling again at alam kung di mo ako sasaluhin. Wag kang masyadong close. Yun lang. Kung gagala ka, pwede bang las option mo na ako? Oo aaminin ko maggalit, maiinis at magseselos ako pero dont' you think it's better that way? Atleast mabawasan man kung anuman to. Salamat.

     ~Sana wag niya munang mabasa to. Haha. Tsaka na. Kapag wala na Ulit yung nararamdaman ko. :)

Tuesday, January 29, 2013

Now I know what I want..

     I know I love you. I just can't tell you again. Not because I can't but I know it will be complicated. I'll just have to hide it from everybody. It's better that way. Alam nila move on na ako, and it's just a stupid rebound but I feel otherwise. Kaso ano namang sense kung sabihin ko yun? Kung sabihin kong mahal kita at hindi naman talaga totoo yung mga sinabi ko sayong hindi talaga ikaw. Eh ano naman diba? It will never change anything between us.

     Actually, when it comes to that, hindi ko alam kukng magiging masaya ako o malungkot. Masaya kasi alam ko na hindi siya lalayo. That we will stay the same no matter what. He would still be there for me. Doon papasok ang lungkot. I mean, he'll be there. Oo na. Pero hindi na kami aakyat sa kung anuman ang gusto ko. Hindi kami magiging couple. I'll see him fall in love with someone and I'd be there by his side no matter what. Mainlove man ako sa iba, magiging masaya pa siya for me.

      I guess siya talaga ang soulmate ko. He is mine for safe-keeping but not for a life time. I'd be always by his side pero he;ll never be with me forever. I mean forever akong kasama siya pero hindi bilang makakasama sa buhay pero para maging tropa niya habang buhay.

     Message for you, ahhh.. hahaha. Basta alam mo na yan. Andito lang ako. Kung saan ka masaya, suportanta ka. Wag lang yung mga kalokohan chuvaness... :)))

Nabawi Mo Na. Hindi niya na alam ulit. Now what?

Ano nga ba? Wala naman din kasing nagbago. Nalaman niya. He stayed the same. Nalaman niyang parang naging "rebound" siya. He still stayed the same. Friends pa rin kami. How can I get enough of you pare? Parang mas mahirap yung sitwasyon ko ngayon. Kasi at some point, nalaman mo na may gusto ako sayo. Kasi naman eh. Kailangan magbawi. Para hindi mahirap. Para hindi ako mahirapan. Hayyy naman pare. Bakit kasi sayo pa? Bakit ikaw pa. *nguso*