Saturday, March 9, 2013

Ms. Hiro and Mr. Honey

Bakit ka ba ganyan? Pwedeng tumigil ka? Tulungan mo naman akong pigilan angs arili kong mag-fall sayo. Kasi naman eh. Tigilan mo na please. Mahal kita. Kaibigan kita. And you love someone else. Paano naman ako? Aasa na naman ako sa wala. Alam ko naman eh. Hindi mo ko magugustuhan EVER pero bakit andito pa rin ako? Kasi, may isang parte pa rin ng pagakatao ko na nag-iintay sayo. Sana lang diba? Pero ewan ko ba. Alam ko naman ang kahihinatnan nito. As usual, one sided. Nganga for a life time. Abangers habang buhay.

Bakit kasi ang sweet-sweet mo? Hindi mo ba alam na kahinaan ko yun? Na yan ang nagpapalambot sa puso ko? Bakit kelangang ang lahat ng ginagawa mo ng normal, yun yung nasa ideal guy ko? Bakit ikaw pa? Nakakainis ka naman. Tapos minsan, sa mga imagination ko, pakiramdam ko, mahal mo din ako. That you're jealous of the guys I meet and drop my jaws at. Sana makinig ka na lang sa iba that we look good together. Haha. Echos. Pero kasi naman, magkasundo naman tayo diba? Bakit hindi ako? Don't get me wrong. Hindi ako desperado, nagtataka lang ako. Hayy...

Sabi mo sa akin, walang kulang. Na wala akong mali. Na walang mali sa akin bilang babae. Na yung ex-boyfriend kong walang balls ang may kasalanan ng lahat dahil hindi niya ako kayang intindihin. Na wala sa ganda yan. The hell naman. Alam mo bang everytime nakikita ko ang mukha mo at ang napakaganda mong mga titig, at ang nakakahawa mong smirk, naaalala ko lahat yan? Minsan kahit mukhang tanga, natatanong ko na lang, kung walang mali sa akin, bakit hindi ako?

May isa pa, nakakahiya mang aminin pero ewan ko ba?! Minsan nagbibigay ng kung anu-anong meaning ang imagination ko. Kung hindi ko lang alam na talagang wala baka iba na ang isipin ko. Gusto kong malaman ang lahat. Ano bang ibigsabihin mo sa bawat salitang binibitawan mo? Sa mga gestures mo. Minsan kasi, hindi na normal para sa isang lalaki na ganyan. I mean totoo naman yung sinabi nila. Daig mo pa talaga si Ex. Ikaw, parang isang tawag ko lang andyan ka na. You understan me so well na PARANG yung bawat twitch ng mata ko eh alam mo ang ibigsabihin. Ganun ba ako kabilis mabasa? Psh naman. Asar.

Lastly, pwede tigilan mo na talaga yung pagiging madikit mo sa akin? Hindi sa ayaw kitang kasama at bilang kaibigan masasabi kong ang cool mo. You're fun to be with and that's exactly one of the things I liek about you pero tignan mo naman ang state ko. I'm on the verge of falling again at alam kung di mo ako sasaluhin. Wag kang masyadong close. Yun lang. Kung gagala ka, pwede bang las option mo na ako? Oo aaminin ko maggalit, maiinis at magseselos ako pero dont' you think it's better that way? Atleast mabawasan man kung anuman to. Salamat.

     ~Sana wag niya munang mabasa to. Haha. Tsaka na. Kapag wala na Ulit yung nararamdaman ko. :)

No comments:

Post a Comment