Tuesday, November 26, 2013

Cookie Butter McFlurry and Salted Caramel Sundae

     Hindi ko alam kung bakit pumunta pa ako. Kung bakit nag-agree pa kong makipagkita siya. The sacrifices I made just for you. Pero hindi naman yun ang problem. The problem is sinabi ko na sa sarili ko na tama na. Ayoko na. Lalayo na ako. Titigil na ako sa pakikisama sayo kasi mas malalaglag ako tuwing kasama kita pero ano? Anyare. Nganga. Wala.

     Hindi ka gwapong-gwapo. Hindi rin ikaw yung tipong lilingunin namin at pagbubulungan naming magbe-bestfriend. Hindi ikaw yung nakakakagat-labi kapag tinitigan mo. Pero nung araw na nagkita tayo, feeling ko kasama ko si Christian Grey. First time yatang nahiya akong tumabi sayo. I must say, you look good in black. Haha. Tama na. Super description na.

     Pero bakit nga ba ganun? Sobra na akong lagapak sayo. Kumbaga sa nahulog sa putik, pinagulong-gulong pa ako. Hindi ko alam kung bakit abang pa din ako ng abang sayo kahit alam kong wala na akong inaabangan. Kahit alam kong sa huli, wala din akong mapapala. Alam kong mahal mo siya. Sabi mo hindi na. That you're moving on pero bakit parang ayokong maniwala? Siguro nga mas alam mo ang "totoong pagmamahal" base sa experience. Pero itong nararamdaman ko, hindi mo man makunsiderang pagmamahal, alam kong iba siya. Iba siya kay Euro, kay Jovit at sa lahat ng crush ko.

     Pero sabi nga ni Bea sa The Mistress, hindi lahat ng gusto mo, makukuha mo. At alam kung ganito din ang mangyayari sa akin ngayon. Hindi naman lahat ng bagay sa buhay happy ending. Eh di sana walang talo at panalo. Lahat pantay-pantay. Sabi nga diba, life is unfair. Pero sana, ikaw na ang "fair" na hinahanap ko.

     I'm still waiting. Until when? Hindi ko alam. Siguro hangga't kaya ko. May mga pagkakataon din namang napapagod ako kaso mas nakaibabaw ka sa puso ko. Hindi ba ako nasasaktan? Nasasaktan ako dahil di ako manhid. Nasasaktan ako lalo na kapag may mga tao sa paligid ko na pwede mong piliin makasama sa buhay o sa simpleng pagkain sa Mcdo. Ayaw ko bang tumigil? Gusto ko man pero parang di pwede at di kaya. Isang text mo nga lang nabubuhay ang loob ko eh tapos titigil ako? Parang sinabi mo sa isang halaman na di na kita didiligan. Bakit ikaw? Cliche pero di ko alam. Ang alam ko lang, masaya at masarap kang kasama hanggang sa pagtapos nun, iba't iba na ang reason kung bakit eventually minahal nga kita. Sabi ng iba kasi masyado mo daw akong inispoiled ng attention at pag-aaruga which is my kryptonite kung di mo alam.

     Madami pang tanong. Isa lang naman ang tanong na di ko kayang sagutin ng harapan at yun ay kung mahal kita. Ayoko kasi katangahan part two na eh. Ayoko ng umamin sayo kasi nga ganun din naman. Wala naman akong pinglalaban diba? Wala ng dapat ipaglaban kasi ako lang naman ang lumalaban sa isang laban na alam kong una pa lang, talo na ako. Hindi ko na nga alam kung saang classification ng tanga ko ilalagay ang sarili ko. Iniisip ko, may papantay pa kaya sa katangahan ko? O may hihigit pa kaya? Malamang kung ira-rank ang mga tanga, mangunguna ako sa listahan. Top one ang drama.

     Hayy. Sa ganitong sitwasyon talaga, ang hirap bumitaw. Isipin mo(base sa aking perspective), isa ka sa mga taong gusto niyang makasama lagi. Isa ka sa tinetext niya, kinakausap niya sa mga problema. Halos lahat ng dark secret mo, alam niya pero never siyang nagbago sayo. Kahit kailan hindi siya pumalyang makasama ka kapag kailangan mo siya, kahit kalagitnaan ng gabi. Super siyang mag-alaga. Daig niya pa ang boyfriend sa sobrang protective niya. Lahat na ng kahinaan ko nasa kanya. Diba? How can you detach yourself sa isang taong almost perfect na? Natatawa ako kapag naiisip ko na. Sa sitwasyong to, almost perfect na. All set na ang lahat. Ang kulang na lang, yung mahalin mo ako. Yung maging akin ka. Kaso nganga eh. Hindi naman nangyayari. Halos two years na rin yun. Mahigit dalawang taong na akong abangers sayo. Sa buhay ko, never kong pinractice ang salitang patience pero akalain mo yun? Yung sayo, hindi lang isa kundi dalawa at hindi lang buwan kundi taon ang binilang ko habang pinapractice ko yun. Sabihin mo nga? Kailangan ko pa ba ng practice?

Pangarap kong mging writer. Bata pa lang ako ganun na. I write about my crush at mga crush ng kaibigan ko kung saan may happy endings kami sa kanila. Nakakagawa ako ng series. Minsan yung iba base talaga sa lahat bg nangyari o sa lahat ng naimagin kong mangyayari. Alam mo kung ano yung nakakatawa, may apat na ata akong pending at sayo lahat yun. May isa sa wattpad, dalawa sa mga filea ko at isang binubuo ko sa isip ko. Hindi ko siya matapos kasi wala akong kumpiyansa na makukuha ko yung happy ending na isusulat ko. Ang lakas ng loob ko sa iba, ewan ko ba sayo bakit ganito ako.

Inaamin ko naman na mabilis akong mainlove pero bakit parang ang malala yung tama ko sayo. Kumbaga sa cancer parang stage four. Pinilit ko namang bumangon kaso ikaw din eh. Ayaw mo ring lumayo. Gusto kitang sisihin. Gusto kong sabihin sayo na lumayo ka. Ayoko na kitang kasama. Ayoko na kitang kausap. Ayoko na kitang makita. Ayaw ko na. Ayoko na. Ang tanong lang eh, ayaw ko ba talaga? Kaya ko ba na hindi igrab yung oppurtunity na makasama siya.

Hindi ko alam kung anong meron sa sarili ko. Ano pa bang iniintay ko? Nasa lugar ako na kumbaga sa laro, end na. Pero naghihintay pa din ako ng rematch kahit alam kong wala rin naman patutunguhan ang rematch na yun. Alam kong sa huli, talo pa din ako. Ano bang meron? Bakit ako ganito? Hindi naman siya lang ang nag-iisang lalaki sa mundo at alam ko na meron pang mas hihigit sa kanya pero bakit ayaw kong tumigil?

Ano ba yan Maloi. Tigil-tigil din pag may time.

No comments:

Post a Comment