Wednesday, October 12, 2011

Sa dami ng gagawin nakuha ko pa talagang mag-blog

Dapat matutulog na ako. Itutulog ko na lang muna lahat ng gawain ko at maya-maya ko na siya tatapusin. Pero hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para wag ipatay ang computer at pindutin ang google chrome at isearch sa url tab ang blogger.com. Siguro, naisip ng utak ko na baka makapag-unwind ako dito. Marami na rin namang nakaimbak sa utak ko na gusto kong sabihin, o ipagkalat.

Haayy... Parang bigla akong naiyak. Lately kasi, hindi ko na alam ang posisyon ko kay Leo. Nagdecide kasi kaming mag "cool down" dahil na rin sa problemang pamilya niya at sa mga insecurities ko. Hindi kasi siya pwedeng tawaging "break up" kasi hindi naman kami at lalong hindi naman friends with benefits and perks ang tema namin. I admit na may mali ako, most of it. Pero ewan.. i feel na tama pa rin ako.

Mababaw lang naman akong tao, pero marami akong gusto. Tulad ng pagloload niya, hindi niya ba naisip na minsan yun na lang yung way ng communication namin. Na gusto ko lagi siyang may load kasi gusto ko lagi ko siyang kausap. Gusto ko lagi kong alam kung safe siya o hindi. Gusto ko na lagi akong malapit sa kanya kahit sa boses lang? Frustration ko na nga na hindi ko siya maalagaan, hindi pa siya nagtetext. Hindi ko pa alam kung okay lang siya. Kung nakakain na ba siya, at kung anong nangyari sa araw niya. Mano ba namang gumawa ng paraan para maitext ako sa umaga. Masabi bang maalala lang ako kahit katiting? Kahit sandali lang?

Alam ko iniisip mo, ang babaw ko. Yes! Inaamin ko yun and believe me, iniiyak ko ang pagloload na yan. Minsan iniisip ko nga na iiwan ko na lang siya kasi masasaktan ko siya sa pagiging nagger ko. Na baka magsawa siya at bigla na lang akong iwan. Paano na ako kapag ganun?

haist, yan mostly ang kinakainit ng ulo namin... ang pagiging nega ko at hindi niya pagloload. Depressed ako kapag hindi siya nagloload. Kulang na nga lang paloadan ko siya, pero pakiramdam ko ang cheapanga ko kung gagawin ko yun.

So ngayon, nasa state kami na hindi mo alam kung okay lang kami parehas o parang may kulang. Na parang anjan na naudlot pa. Ni hindi ko nga sigurado kung mahal niya pa rin ako or what. Ang akin lang naman kasi, mahirap ba yung hinihingi ko? Mahirap bang alalahanin ako kahit isang beses sa isang araw lang?

waaaaaaaaaa..... Naiiyak ako T.T

No comments:

Post a Comment