Alam mo yung pakiramdam na finally nakahanap ka na ng para sayo then malalaman mo hindi pala? Yung his so sweet sayo na akala mo siya na yung maipapakilala mo sa magulang mo pero hindi pala? Yung akala mo pwede mo ng ipagmalaki dahil akala mo mahal na mahal ka niya at ikaw lang pero hindi pala. Pero mali ka pala. Hindi pala totoo lahat ng sinabi niya. Hindi lang pala ikaw ang sinasabihan niya noon.
Isang tanong isang sagot... Wala na bang seseryoso sa akin?
It just felt that way. Lalo na sa ginawa niya sa akin. I was hoping he would be my last. He even made me feel like I was the best girlfriend he'll have and he has on those times. Akala ko, I found "the one". Akala ko seryoso na. Akala ko siya na and I was so stupid to believe all his lies. Eh di ako na ang tanga.
Honestly, oo napatawad ko na siya. Case close. Nagpakatanga ako, at tanga(ayon sa akung mga kaibigan) rin daw siya kasi hindi niya ako sineryoso. Pero maaalis mo ba ang sakit? Maaalis mo ba sa akin na para bang napag-trip-a lang ako. I believe in the essence of love. Naniniwala ako na may isang taong para sayo na magmamahal sayo higit pa sa kaya mo o sa akala mo. Yung taong laging andyan para sayo, hindi bilang kaibigan pero bilang karamay mo sa lahat ng bagay. Isang taong masasabihan mo ng problema at mga pangyayari sa buhay mo.
Kababasa ko lang ng isang vows kanina ng dalawang couple na masasabi kong kilala ko sa pamamagitan ng isang story. Though we never see each other personally. Ang ganda ng vows nila. Simple yet ang ganda. Parang naramdaman mo lahat ng gusto nilang sabihin sa isa't-isa. It made me cry for some reason na hindi ko ma-distinguish. I love happy endings talaga.
Ako kaya? Kelan ko kaya makikita ang happy ending ko? Sometimes naiinis ako kay God kasi most of the time ginagamit niya ako para ma-realize ng mga tao sa paligid ko kung gaano sila ka-special sa isa't isa. Parang laging ako yung daan kung bakit gumagawa sila ng paraan. Ako yung pusher nila sa ganoong mga bagay. I want to ask HIm "why". Bakit ako? Bakit sa lahat ng tao ako pa. Bakit ako yung napiling gumawa ng ganitong bagay kung hindi naman ito nangyayari sa akin?! Bakit?!
Ang drama ko na ata. HAHAHAHA... Anyway, isa lang ang masasabi ko sa unang relationship ko kung relationship bang matatawag yun. Masakit. Sobrang sakit. Yung sakit na parang sana. hindi ko na lang naramdaman. Sana hindi na lang nangyari. Sana.. Sana.. Sana... Kelan kaya matatapos ang mga sana ko?!
No comments:
Post a Comment