Sometimes I don't understand anymore how life goes. Minsan, masaya ka na nga lulungkot pa ulit. Or minsan masaya ka na tapos biglang namang lulungkot. Parang ang gulo-gulo na. Kailan kaya ako magiging stagnant? Kailan kaya yung break time ng buhay? Ayoko naman ng habang buhay na break time ha. Wag ganun. Madami pa akong pangarap. Yun bang, "HEP, WAITS LANG HA! COFFEE BREAK MUNA AKO" o kaya naman. "YOSI BREAK! *sabay senyas ng isang stick kay manong takatak*".
Ang hirap mag-juggle ng mga important thing sa buhay. Buhay-studyante. Anak. Apo. Pamangkin. Kaklase. Girlfriend/Boyfriend. Idamay mo pa ang pressure na matatanggap mo sa mga taong nasa paligid mo. Yung mga nangungutya at walang magawa sa buhay. Minsan parang gusto mo na lang ibigay yung buhay mo sa kanila. Parang, "OH SIGE, IKAW NA LANG! IKAW NA LANG GUMAWA NITO." Parang ang dali-dali kasi eh noh..
Bwisit yan.
Pero, inspite sa dami ng iniisip ko... Sa dami ng mga nangyayari sa buhay ko, madami din namang sumusuporta sa buhay ko. Madami akong PUSHER. Madaming nagtutulak sa akin na bumalik sa katinuan este sa katinuan ko na lang pala. Iba kasi ang katinuan ko sa normal na tao. Pohahaha..
Una sa lahat, syempre.. ang nanay ko. Salamat sayo Mama. Though I never have the chance to thank you all the time. I want you to know, through this blog, kahit hindi mo naman (ata) mababasa, na salamat. Salamat dahil nabuhay ako at inalagaan mo ako sa sinapupunan mo sa loob ng mahabang panahon, salamat dahil naging mabuting ina ka sa aming magkakapatid kahit wala kaming alam gawin kundi palabasin ang mga uban mo, salamat sa mahabang pasensya, sa sobrang lawak ng understanding mo, at sa pagtitiwala sa amin kahit sobrang dami na naming kalokohang magkakapatid. Thank you. Cliche man, masasabi kong kulang ang isang paragraph o isang entry sa blog ko ng pagpapasalamat ko sayo.
Kapantay ni Mama, ay syempre ang aking pinakamamahal na Papa. Unang una sa lahat, maraming sorry sa mga pagsagot ko sayo. Sa mga panahong hindi kita nabibigyan ng respeto. Sa panahong hindi kita nasusunod kasi may ideang pumapasok sa isip ko and i can't let go of the computer. Sorry coz I've never been a good daughter to you kahit halos lahat ng panahon andyan ka lang sa likod ko. I remember na ikaw pa nga ang kasama ko sa Hospital nung nahulog ako sa kanal at nagkasugat ng malaki sa tuhod. Lagi kang nandyan. Mapa-sa aming mga anak mo, or sa mga kapatid mo. You're like my Robin Padilla, ready to help kung sinuman ang nangangailangan. Im so thankful na ikaw ang Papa ko kahit hindi ko pinapakita sayo yun most of the time. Salamat ng marami, I may not show you dahil kakaiba ang way ko ng pagpapakita noon sayo, I want you to know na sobrang mahal kita.
Lastly, sa mga tropa ko. Na walang sawang nagpapasensya sa kakulitan ko. Na laging nandyan kapag may kadramahan ako. Mga taong madalas na kasama ko tuwing nag-eemo ako. Salamat. Salamat. Salamat. Walang sawang salamat. Kahit ang alam lang nating gawin ay mag-asaran. Kahit parang wala tayong matinong usapan. Kahit minsan, sobrang seryoso na nung problema, nagagawa pa nating tumawa. Kahit walang bahid ng katinuan ang ating mga utak sa tuwing tayo'y magkakasama. Salamat. Salamat. Salmat talaga. Hindi ko kayang mabuhay sa isang araw ng walang nakakausap ni isa sa inyo.
Maaaring bukas, may madadagdag o mababawas sa kanila, pero thankful ako kasi pinadaan sila ng Diyos sa aking buhay. Thankful ako na kumpleto ako sa aspeto ng pamilya at mga kaibigan. Oo maraming pagsubok, pero mas maraming nagmamahal sa akin, minsan nga nababalewala ko pa.
Kaya thank you sa inyo. Thank you sa bawat taong special sa buhay ko. I don't have to mention you one by one dahil alam ko naman sa puso ko kung sinu-sino kayo. Umingats kayo always. Hayylabbyow guys :)
No comments:
Post a Comment