Tuesday, March 10, 2015

Grow up? K.

    "Simple lang naman yung sagot na gusto ko di ba? Oo o hindi lang naman o wala ka lang magawa at wala kang makasama kaya ka nagpapasama? Ganun naman talaga di ba?"

     Naisip mo ba na kaya di ako makasagot sayo ng tama kasi hilong-hilo na ako sa gutom at wala akong pera? Na kaya nag-aalangan akong papuntahin ka kasi wala din naman ako ipapakain sayo at baka pagod ka na kasi pabalik-balik ka?

     Tsaka ano bang panahon ngayon? Bakit parang tanga-tangahan ang mga tao? The fact na inaya kitang magpunta doon, hindi pa ba sapat na sagot yung kung gusto kong samahan mo ko o hindi? Ugh. Isip naman. Dati naman wala ng ganyang kaartehan. Kapag pinapunta, globe lang. Go lang ng go.

     At yung last statement mo na yan. Yan ang pinakabadtrip sa lahat eh. Alam mo ba kung anong nangyari sa akin nung araw na yan? Malamang hindi diba? Tsaka sana bago ka magbitiw ng ganyan, naririnig mo sana kung paano magtampo ang iba kong kaibigan kapag cancelled ang alis namin o kaya hindi ko sila sinisipot para masamahan lang kita tapos sayo ko pa maririnig na wala lang akong kasama kaya kinukulit kita at ganun naman talaga ako? Huwaw. Huwaw lang talaga.

     Then you'd create a post na "I have to grow up?" For real? Sayo manggagaling yan? Well, if you want me to grow up sana ikaw din. Talking about my reasoning. Uhmm yeah. Perfect example kasi yang sagot mo sa akin sa taas ng "MATURE" reasoning eh. Thanks for giving me such a wonderful advice.

     Tsaka ngayon ko lang narealize, kapag nagmamalasakit ka pala? Immaturity na pala yun. Sometimes you should dig deep. Di naman ako basta mang-aabala. And yes, kahit yung biglang tatawag ako ng wala lang, may reason yun. It's because I miss you.

     Sorry ah. Kung lagi akong tumatawag sayo kapag masaya ako, may problema, malungkot, at lahat na. Akala ko kasi kaibigan kita. Akala ko kasi masaya ka ng ganun. Masaya kang nalalaman yung mga maliliit na bagay sa buhay ko. Akala ko gusto mo yun. Hindi pala. Kasi masyado akong nahold sa cliche na pangako ng kaibigan. Laging andyan your face. Tsh.

     From now on, you won't hear anything from me and I expect the same from you.

     Kahit sinong tanungin mo sa tropa, laging ikaw ang priority ko and we all know why right? I guess tama sila.

PS: Nahulugan kasi ako nun ng pera. Papalibre sana ako sayo kaso sabi mo wala kang pera. Hihingin ko lang sana yung company mo, pero nabobohan ako sa tanong mo, kaya medyo nairita ako. Tsh. Why explain. Anyways, salamat. Salamat sa post mo. Wake up call eh. Tsaka, simple lang naman din ang gusto ko. Kung binasa mo yung convo natin, maiintindihan mo. Salamat.

No comments:

Post a Comment