Wednesday, March 11, 2015

#LastTime

Ayokong magbilang kung gaano na katagal nung huli kaming nagpansinan. Kasi kapag nagbilang pa ako, maaalala ko lang yung sakit ng mga sinabi niya sa akin.

Di ko talaga akalaing sa kanya pa manggagaling yun. Hindi pa ba enough na kulang na lang iclear ko yung buong araw ko masamahan ko lang siya?

Ang masakit, sobra ko na siyang namimiss. At isa pang masakit, lalo kong narerealize na wala akong puwang sa puso niya kasi di niya man lang magawang magsorry o mang-alo. Kahit bilang kaibigan lang ba.

Simula noong masaktan siya dahil sa isang tao hanggang ngayon, iniisip ko kung ano bang kulang. Ano bang kulang sa akin. Alam ko namang sobrang daming kulang ng pisikal na ganda ko. Pero yun lang ba ang basehan? Mahal ko naman siya eh. Hindi pa ba sapat yun? Ano pa bang kailangan kong gawin?

Araw-araw na ginawa ng Diyos. Lalo na kapag magkikita kami (Mostly Friday or Weekends), tapos marerealize ko na kahit bossy siya, kahit minsan ang yabang niya kausap, kahit minsan ang landi niya, kahit nagme-make face siya sa mga type kong barista, kahit na ang dami niyang flaws, walang panahon na hindi ko siya minahal. Nainis ako. Nairita ako. Pero hindi nawala ang pagmamahal ko sa kanya.

Kaya ngayon ang sakit lang. Sobrang sakit lang talaga. Napapagod ako pero sabi ni Heart Ko, keri pa. Hindi ko na alam kung paano ko nakakaya o kung saan ako humuhugot ng lakas para magpatuloy. Pakiramdam ko buong buhay ko, nagfo-fall apart na. Na ang tanging nagpipilit bumuo ng pagkatao ko ay yung mga taong kailangan kong pakitaan na malakas ako. Na okay lang ako. Na kaya ko. Dahil kailangan.

Gusto ko ng tumigil. Gusto ko ng mabuhay. Hindi dahil kailangan at dahil yun ang sinabi ng iba. Gusto kong mabuhay na totoo ang ngiti ko. Yung tipong umaabot hanggang mata ko at nag-ooverflow at nararamdaman ng iba. Gusto kong maging masaya.

Kaya ngayon, isa lang ang higit na pinuproblema ko. Kahit yata ilang beses kong panoorin ang That Thing Called Tadhana, di ko pa rin masagot ang pinakamalaking tanong ko sa ngayon.

"Paano ba mag-move on? Gaano katagal?"

Haist.

No comments:

Post a Comment