Tuesday, March 17, 2015

The reason why I don't write anymore to there is no such thing as destiny


Nakakamiss ng magsulat. Yung buong gabi mong iisipin ang isang ideya then buburahin mo dahil di mo na ulit trip. Tapos magugulat ka na lang, umaga na. Tumitilaok na ang manok.

Nakakamiss magputol ng by chapter. Nakakamiss yung makipagcolab. Magbatuhan ng ideas. Nakakamiss yung mga comments. Yung macriticize yung ginawa mo. Yung may makikisimpatya sa character na binuo mo. Yung may magagalit sa mga komtrabida mo. Nakakamiss yung feeling na appreciated ka.

Sinabi ko naman dati na feeling writer ako sa blog na ito. Actually, di ko din sigurado bakit ako tumigil. Siguro kasi akala ko, nabuhay na sa realidad yung mga sinusulat ko. Mali pala. MALI PALA AKO.

Akala ko kasi realidad ko na siya. Akala ko, nakuha ko na yung prince charming na inaasam ko. Dahil nasa kanya na ang lahat. Yung tipong sinubukan kong magsulat at magdescribe ng lalaki pero siya pa rin ang lumalabas  sa utak ko. Naramdaman ko ang contentment. Kaya siguro ang lakas ng loob ko. Akala ko siya na anh destiny ko.

BUT THE TRUTH IS… THERE IS NO SUCH THING AS DESTINY. Mananatiling sulat ang mga sinusulat ko. Mananatiling fiction ang mga bagay na nababasa ko sa nobela. Hindi sa walang forever. WALANG DESTINY. Ikaw ang gagawa ng sarili mong destiny.

No comments:

Post a Comment