Uncertainty: The lack of certainty. A state of having limited knowledge where it is impossible to exactly describe the existing state, a future outcome, or more than one possible outcome.
Ang buhay ng tao, punong-puno yan ng uncertainty. Bakit? Nakahanap o nakaharap ka na ba sa isang tao na alam na ang mangyayari sa kanya, ten, five or eight days from now? Yung tipong alam niya na kung anong sasabihin sa kanya ng boss niya at kung ano ang EKSAKTONG ipapagawa nito ngayon o sa mga susunod na araw?
Wala naman diba? Lahat kasi ng aspeto ng buhay, merong ganun. Kasi kung wala, anong saysay ng buhay? Would it still be worth living kung alam mo na kung paano ka mamamatay o kung paano tatakbo ang buhay mo o kung paano ka maggogrow sa bawat sandali ng buhay mo, physical, mental o emosyonal? Anong sense? Anong thrill, kung lahat pala alam mo na? Diba wala. Magchill ka na lang. Nakaplano naman na pala ang lahat eh.
Pero naisip ko, sa dalawang dekadang pagiging buhay ko sa mundo, walang uncertainty na masaya. Madalas nakakalungkot, nakakinis, at nakakaiyak. Yung mga uncertainty na ang pagpipilian ay meron o wala. Or meron ba talaga o wala talaga. Yun bang nagdedetermine kung illusyunado/illusyunda ka lang pala.
Sa dalawang dekada ng buhay ko, may ilang beses na naging magulo at nauwi sa wala ang mga kadramahan ko dahil sa uncertainty na yan. Madalas na dahilan eh ang pag-ibig. Di ko na nga mabilang kung ilang beses na akong umasa sa wala. Puro one-sided, kung hindi naman, yung kasiguraduhan ba na mahal ako ng isang special na tao sa buhay ko. Masakit. Nakakapagod at kung minsan(at kung kaya ko lang) matagal ko ng binalewala. Minsan kasi, parang paulit-ulit na lang. Hoping na this time, iba naman ang kalalabasan. Yun bang sana this time, hindina ako umuwing wasak.
Pero naisip ko, di naman dapat si "uncertainty ang dapat sisihin eh. Hindi naman siya ang umaasa o nag-aassume o nakakaalam ng mangyayari, kasi nga di sigurado. According na rin sa given meaning sa taas, "limited knowledge where it is impossible to exactly dppdescribe the existing state". Ibig sabihin, wala pang sapat na basehan ang lahat. Kaya hindi siya ang may kasalanan. Tayo bilang tao. Tayo na nag-aassume.
Hindi kasalanan ng kahit sino kapag sa isang uncertain na sitwasyon ay nalungkot ka. Kasi ibig sabihin lang nun, nag-assume ka na. Kumbaga sa isang research paper, di pa nga kumpleto ang facts mo, may conclusion ka na. Kumbaga sa judge, hindi pa naipapakita ang lahat ng evidence, may hatol ka na.
Hindi ba masyadong unfair na yun? Think about this whenever you're in an uncertain situation, "Never assume, unless otherwise, stated"
No comments:
Post a Comment