Makalimutan
Gusto na kitang makalimutan
Gusto na kitang makalimutan
Mga ngiti mo't kalungkutan
Mabura na lahat sa isipan
Ala-ala mong aking kasiyahan
Ngunit paano makakalimutan
Kung dito nga ang kasiyahan
Paano ko makakamtan
Inaasam na katahimikan
Gusto na kitang makalimutan
Mga araw na ika'y iniyakan
Mga oras ng kwentuhan
At ikaw ang pinag-uusapan
Gusto na kitang makalimutan
Pag-alala sayo'y nais iwasan
Ngunit paano pa tatanggihan
Kung ito ang gusto ng isipan?
No comments:
Post a Comment