... Eto na naman ako. In love na naman ako sa isang taong hindi naman ma-iinlove sa akin.. What can I say. This is life. Siguro idadaan ko na lang ang ending namin sa love stories na sinusulat ko. Me and my Doctor. Hmmm..
Pero bakit ganun siya? Parang ako lang? Nag-iintay siya sa taong wala rin siyang pag-asa. Ang mahirap, kaibigan ko ang gusto niya. Ang sakit di ba?! Para akong tangang nakaasa sa kanya tapos ganun din naman siya. Sana hindi na lang ganito kahirap. Sana ako na lang ang minahal niya. Cliche pero, handa akong gawin ang lahat para sa kanya. Kaya nga kahit lumayo ako nung may pag-asa siya para lang maging masaya siya. Tinutulungan ko siya. Masokista daw ako. Yeah right.. Ganun ba talaga pagnagmamahal?
Hindi ko alam kung tama ang ginagawa ko o ang nararamdaman ko. Ano bang dapat? Kahit ata ikalat ko na sa buong mundo na hindi ko NA siya gusto, ang hirap pagtugmain ang nararamdaman ko at ang kinikilos ko. Lalo pang humihirap kapag magkasama kayo at ang iniibig nito ang bukam-bibig nito. Hindi ko alam kung palihim niya akong tino-torture or what?! Pero ang sakit talaga. Parang gusto kong umiyak. Kung hindi ko lang pilit ipinapakita na wala na akong pakialam sa kanya. Kung lalayo na siya. Sana mas madali. Sana hindi na ako nahihirapan.
Doctor ko, Hayylabbyuuu.....
No comments:
Post a Comment